CHAPTER 11

149 0 0
                                    

CHAPTER 11

Bogs' POV

“ano ba'ng pinagsasabi mo dyan! Imposibleng maging ako yun! IMPOSIBLE!!” sigaw ko kay Aixe! Pinipilit niya kasi na ako ang isa sa mga nawawalang fragments daw..

“ano ba!! wag mo nga akong sinisigawan!” sigaw niya sa akin! Siya nga tong ang lakas makasigaw eh!

“teka lang.. may naalala ako! Hindi ba sabi mo kasabay ng pag-atake ng mga taga Brimwik ang pagsilang ng mahal na reyna? Kung nailahad nila ang bangkay ng reyna, nasaan ang bangkay ng sanggol?” medyo naguluhan kasi ako sa part na yun!

“isang oracle ang may sabi na sa araw na iyon manganganak ang reyna!”

“o-oracle?” kunot noong tanong ko sa kanya!

“oo.. isang matandang gurang na kayang makita o magbigay hint sa future..”

“ahh.. so nahulaan niya na magkakaroon ng labanan?”

“oo.. pero hanggang duon lang ang nalalaman ko.. ang iba pang nakita niya, wala na akong alam, kahit yung mga tao sa palasyo ng hari..” ang gara! Palasyo!

“teka lang, yung sanggol ang tinatangong ko!!” ba't ba kami napunta sa usapan na yon?

“dahil nga sa nalaman ng reyna mula sa oracle, tumakas ito ng palasyo nung kasalukuyan ng abala ang mga tao pati ang hari sa pakikipaglaban sa kalaban.. ninais ng hari na itago ang reyna sa isang ligtas na lugar, pero tumakas nga ang reyna kaya kahit ang hari walang nakakaalam. Pero hula nila magkasama ang oracle at ang reyna nung panahon na yun, dahil nawawala din siya nung mga oras na yun! Tapos sa gitna ng labanan, bigla na lang ipinakita ang bangkay ng reyna! Duguan pati ang kanyang mga paa.. hindi naman masiguro ng hari kung nanganak ba ito o pinaslang ang sanggol.. pero naniniwala ang hari na buhay pa ang kanyang anak.. tanging pinanghahawakan niya ay dahil hindi naipakita ng kalaban ang bangkay ng sanggol..”

“nakakaawa naman pala ang hari niyo!” ayan tuloy, napapaiyak ako sa story niya eh!!

“hmm.. kahit nga ako, naaawa! Ang saklap lang ng naranasan niya! Pero may isa pang paraan para malaman kung buhay pa nga ang nawawalang sanggol..”

“talaga? Paano naman?”

“to find the lost fragments and bind them together.. reviving the Marble Crystal!” lagot! Parang ayoko sa sinabi niya!

“i-ib-ibig mong sabihin, ma-may kina-la-la-man na a-ako?” mautal utal kong sabi..

“oo!” sabi na nga ba eh >__<

“kung ganun! Kunin mo na ang fragment na nasa katawan ko!!” sabi ko sabay tayo..

“sigurado ka ba dun?” napalunok ako..

“oo! Kaya kunin mo na!” then I stood straight! Dapat maging ready na ako para sa gagawin niyang magic!

But, nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang pumorma at hahablutin na sana ang espada niya! Teka teka teka!!! anong gagawin niya sa'kin?!!

“te-teka teka!! anong ginagawa mo?!!” sabay atras..

“sabi mo kukunin ko ang fragment.. kaya yun ang gagawin ko!”

“eh?! Hindi ka ba gagamit ng magic?!”

“magic? Hindi! The only thing to get the fragment out your body is to rip you off..” huwaaaattt!!!

“waaahhh!! wag na lang! Parang awa mo na!!!!” then, she stood still.. “wala na ba talagang ibang paraan?” maiyak iyak kong sabi..

“wala na.. walang kahit na anong spell ang kayang palabasin yan sa katawan mo! Maliban na lang kung tatawagin ito ng tagapagmana ng Marble Crystal..” natuwa ako dun.. ibig sabihin may pag-asa pa..

My Warrior in Disguise (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon