OO na! alam kong ang tagal kong nawala! SORRY PO (chichay pose)! haha! muntik ko na ngang makalimutan ang flow ng story kong to >.< eh kasi naman eh! ayy naku, hindi na lang ako magdadahilan! baka sabihin pang ginagaya ko c Cedric Lee, naku! once again po, sorry talaga sa matagal na update..
CHAPTER 42
Aixe's POV
Namulat ako. Pakiramdam ko ang tagal kong nakatulog.
Ramdam ko na magaan ang katawan ko. Na para bang nakalutang lang ako.
At tama nga ako!
Nakalutang lang ako sa kawalan.
Wala akong makita kundi kadiliman lang.
Teka!
Paano ba ako napunta dito?
Ano bang nangyari?
Naaalala ko na!
Tama!
Hinalikan ako ng Drake na yun at may pinainom sakin na kung ano. Ang walanghiya! Siguro may spell ang lason na yun.
And the nerves! Kapal ng mukha na halikan ako! Eh si Bo--- aiyy!! Hindi hindi hindi! Siya ba talaga ang dapat pumasok sa utak ko?
Oo nga pala! Sila Bogs! Ang Hari! Ang palasyo! Ang mundo! Nanganganib na!
At sino bang mag-aakala na ako pala ang nawawalang prinsesa! Ayokong maniwala, pero marahil ay tama si Drake sa bagay na yun. Pero paano niya nalaman? Si Shinn ba ang dahilan kung bakit marami silang alam?
Sa ngayon, hindi yan ang dapat kong isipin. Ang dapat kong isipin ngayon ay kung paano makakawala sa pagkakalulong sa kawalan.
==
Pakiramdam ko ilang araw, linggo, taon na ako dito, ngunit wala akong napupuntahan.
Sa hindi ring maipaliwanag na dahilan, unti unting nanghihina ang katawan ko. Pakiramdam ko, labis na nagagamit ang enerhiya ko sa katawan.
May naririnig ako.Boses! Pamilyar na boses.
Boses ko!
Nasaan?
Kahit na hindi ko masyadong maintindihan dahil mahina ang signal dito, alam kong nagcacast ang boses ko ng spell. Pero anong spell?
Teka lang! Kung naririnig ko ang boses ko, ibig sabihin, nakakulong ako sa loob ng sarili ko! Kaya hindi ako makaalis dito, dahil narito na ako!
"PALABASIN NIYO AKO DITO! HOY AKO! GUMISING KA! WAG KA MAGPAPATALO SA KADILIMAN!" I shouted hoping na marinig ako ng sarili ko.
Pero, sa gitna ng lahat, biglang may nakita akong liwanag.
Una dilaw, sumunod ang asul, then berde, at huli ang pula. Ano ito?
Ang mga ilaw na yan, sa tingin ko ay alam ko na kung ano yan. At hindi ko gusto ang iniisip ko.
"wag naman sana." bulong ko sa sarili ko. "nakikiusap ako, wag kayong magigising." napapikit ako, at paulit ulit na sinasabi ang mga katagang yun.
Bogs' POV
Nasa harap na kami ng palasyo. Subalit, hindi magigingg madali ang pagpasok namin.
Nakaharang sa daan si Shinn!
Kaya pala nawala siya kanina. Inaasahan niya ang pagdating namin dito.
"tumabi ka Shinn." banta ni Reede.
"and if I wont? Anong gagawin niyo?" walang takot na sagot ni Shinn