CHAPTER 29
Bogs' POV
matapos ang ball, ewan ko ba, pero parang nahahalata ko na iniiwasan ako ni Aixe. Ano na naman kaya nagawa ko para magkaganun yun? Iniisip, wala naman akong kasalanang ginawa sa kanya ah.
Actually, hinahanap ko siya ngayon. Pareho kami ni Brynn na naghahanap sa kanya. Hindi pa namin siya nakikita mula kaninang umaga. Mukhang maagang nagising.
Pinuntahan ko na pwede niyang mapuntahan, pero wala talaga eh. Sa halip na si Aixe, iba ang nahagilap ko, si Shinn at si Reede. Nag-eensayo ata sila.
“oy! Kamusta kayo?” bati ko sa kanilang dalawa. Natigilan naman sila sa ginagawa nila.
“storbo!” mahinang bulong ni Reede pero dinig na dinig ko pa rin.
“Bogs!!!!” sigaw ni Shinn sabay takbo sakin at niyakap ako. Ang higpit pa ng yakap niya sakin. Pero bumitiw din naman siya. “namiss kita. Hindi kita nakita sa ball. Hindi ka ba umattend? Sayang naman. Pinaghandaan ko pa naman sana yun.”
“oo nga. At sobrang nagpaganda pa siya. Akalain mo, naloko niya ang napakadaming lalake. Akala mo kung sinong dyosa, siya lang pala.” singgit naman nitong si Reede.
“hoy! Nagandahan ka nga rin sakin eh. May nalalaman ka pang 'Hi miss lady in black' dyan! Akala mo naman kung sinong gwapo. Tss! Bleeh!” si Shinn ulit. Nagkakasundo ata tong dalawang to.
“ahh sige. Mukhang nagkakamabutihan pa kayo dyan, buti pa, mauna na lang muna ako.” pagpapaalam ko na sana sa kanila
“ahh teka lang. Ang bilis naman. Dito ka na muna. Sige na.” pagpapacute naman ni Shinn.
“naku, pasensya na. Hinahanap ko pa kasi si Aixe eh. Kanina pa siya wala eh. Nag-aalala na kami ni Brynn.”
“eh? Si Marrey? Nawawala?” gulat na tanong naman ni Reede.
“hahanapin ba naman namin siya kung wala?!” pilosopong tanong ko naman sa kanya. Ang engot eh.
“susss! Hindi yun nawawala. Yun pa. Busy lang yun. Dba?” sabi naman ni Shinn at dinamay pa si Reede. Tumango naman ito.
“oo nga. Malamang, nag-eensayo na naman yun ng todo todo. Alam mo naman yun.” pagsang-ayon naman ni Reede. Ano bang ibig nilang sabihin? “ahh, oo nga naman pala, di mo malalaman yun dahil di mo pa masyadong kilala si Marrey at di ka naman lumaki dito. Tss!” ang yabang ng pagkasabi niya nun. Parang may ibang ipinapahiwatig ang tono ng boses niya. Naaasar ako sa kanya. Yabang eh!
“ano ba ibig niyong sabihin?” tanong ko kay Shinn. Wala akong makukuhang matinong sagot mula kay Reede.
“lahat kasi ng mandirigma dito sa Mallaux ay naghahanda para sa nalalapit na Elemental Battle.” sagot naman niya.
“ano yun?”
“labanan sa pagitan ng mga mandirigma. Isang beses ka lang makikipaglaban. Malalaman din dun kung anong level ka na. mas mataas na level, ibig sabihin, kontrolado mo na talaga ang kapangyarihan mo at sobrang lakas mo na.” mahabang explenasyon ni Shinn
“si Marrey ang champion last year dahil siya ang may pinakamataas na level na nakuha.” singgit naman nitong si Reede. Ang epal!
“level?” nakakunot noo namang tanong ko.
“hanggang level 50 ang pinakamataas na pwede mong makamit. Ako nga level 30 pa lang. Medyo malayo layo pa ang kailangan kong sungkutin.” nahihiyang sabi ni Shinn
“si Marrey naman level 43 na. Ako naman, level 40 pa. Pero malalampasan ko din yun.” confident na sabi naman ni Reede. “eh ikaw, ano ng level mo? Ay nakalimutan ko, baguhan ka nga pala, wala kang alam kung anong level ka na.” nakangisi niyang dagdag. Masusuntok ko na to eh.