CHAPTER 43
Aixe's POV
Hindi ko maintindihan.
Ang init! Sobrang init! Parang nasusunog ang katawan ko.
Ang lamig! Pakiramdam koy ang lakas ng simoy ng hangin!
Ang basa! Parang naliligo ako sa gitna ng dagat at nadadala sa agos ng tubig!
Ang bigat! Tila pasan ko ang buong mundo sa sobrang bigat ng katawan ko!
Ano ito?!
Nahihirapan na ako!
Tulongan niyo ako!
Bogs!!!!
"Aixe! Pakiusap, wag mong hahayaang manalig ang kadiliman sa puso mo. Labanan mo ang kadiliman!"
Sino yun?
Boses ba yun ni Bogs?
Hindi ako pwedeng magkamali! Si Bogs yun!
"Bogs! Nasan ka? Andito ako! Tulungan mo ako!" I shouted to nowhere.
Napaluhod ako sa kawalan. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.
Ganito ba ako kahina? Ni hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko, ang mundong ito pa kaya?
Napapahagulhol na ako. Gusto kong magwala! Gusto kong ilabas ang lahat ng kapangyarihan ko, ngunit hinang hina na ang katawan ko.
Bogs!
Tulungan mo ako!
"Gumising ka.." Isang napakalaking boses ang biglang nagsalita. "Buksan mo ang iyong mga mata.."
"S-sino ka? Pakiusap, magpakita ka! Ilahad mo ang iyong sarili! Pakiusap!" Pagmamakaawa ko na.
"Ako ay ang apoy na matagal na nahimbing sa iyong puso." At unti unti kong nakikita ang isang liwanag. "Ako ay ikaw." At sa isang iglap, natanaw na ng aking mga mata ang kanyang anyo.
Nanlaki ang aking mga mata sa nakikita ko.
Hindi maaari!
"ikaw?" pagtatakang tanong ko sa kanya.
Isang ngiti ang kanyang sagot.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Tila ba buffering pa ang utak ko.
Nakatayo lang siya sa harap ko. Ang hugis ng mukha niya, ang mga mata niya, ang tindig niya, ang porma ng katawan niya, ang haba ng buhok niya, kulay ng kutis niya..
Ay tulad ng sa'kin!
PAANONG NANGYARI NA NAKIKITA KO ANG SARILI KO?!
"Oh ano na? Hanggang dyan ka lang ba?" Namulat ako sa mga sinabi niya. WTF! Ang taray!
"sino ka?"
"nasabi ko na sa iyo, hindi ba? Ako ay ikaw! Alin ba sa mga salitang yun ang hindi mo naintindihan nang maipaliwanag ko." taas kilay niyang sagot at nakapamewang pa!
"tumino ka! Hindi ka AKO!"
"talaga?" then she gave me a look that made my heart beat so fast.. nakakaloko ang tingin niya. Na para bang may balak siya. And with one move, she blasted me with fire, kaya agad akong napatalon palayo.
What the hell?!
Walng tigil siya sa pagtira ng apoy sa akin, at walang tigil din akong umiilag.