CHAPTER 13
Bogs' POV
natapos na ang ginawa naming contract.. after nun, ewan ko, pero feeling ko parang may nag-iba sa'kin, maliban sa masakit na katawan at ulo ko! Pahamak na contract na yun eh!
Umuwi na rin naman kami agad! Hindi talaga kaya ng katawan ko eh! Wala na rin masyadong tao, dahil nga ongoing pa ang class! Kaya wala masyadong nakakita sa'min..
naghiwalay na kami ni Aixe ng landas, ang sabi niya, dadaan daw siya mamaya sa bahay! Ano naman kaya balak niya ngayon?
Nang makauwi na ako sa bahay.. agad akong pumunta sa kwarto at humiga! I rested.. and fell into sleep..
I opened my eyes.. at first medyo blurry pa ito, pero nung tumagal, naging maliwanag na.. and O.O where the heck am I?! Hindi ito ang kwarto ko ahh!
I turned my head side to side to scan the surroundings.. andito ako sa isang silid na sobrang laki ng space! Nakakamangha nga! Andito ako sa isang dulo ng parang runway.. sa sides nito ay may mga torch with fire.. and ang weird ng apoy, kulay orange nga pero sa bandang loob sa gitna nito, iba iba naman ang kulay, may iba red, may iba blue, green, o yellow! Tapos may parang pinto dun sa dulo.. dahil na rin siguro sa curiosity, kaya tumakbo ako palapit sa pintong yun..
ewan ko ba, pero bakit parang ang bagal ng tagbo ko! Ano to, slow mo lang?
Narating ko na ang dulo.. at nasa mismong harap na ako ng pinto!
Grabe! O.O ang laki ng pinto! Paano nangyari yun?! Eh kanina lang ang liit nun sa paningin ko! Ang weird naman nito -_-
ako lang ba, o parang umiinit dito? Lumingon ako sa likod ko, pero hindi naman mainit.. humarap ulit ako sa pinto, ang init! Hindi kaya may sunog sa likod ng pintong to? Waaaahh!! baka, masunog ako dito!!!
gusto kong umalis at tumakbo, but something is stopping from doing so, hindi ko lang matanto kung ano! Sa halip, lumapit pa ako sa pinto.. parang gusto kong buksan yun!
Dahan dahan kong inangat at nilapit ang kamay ko sa pinto.. ramdam ko ang init nito.. umaalingasaw! Hanggang sa tuluyan ko ng nahawakan ang pinto! Mainit nga.. umaaso na ang kamay ko na para bang napapaso ng sobra.. pero tanging init lang ang nararamdaman ko!
Bigla akong kinabahan at kinilabutan! Yung pakiramdam na parang may nakatingin sa'yo! Inilapat ko na din ang isang kamay ko.. bubuksan ko na sana ito ng biglang may nagsalita..
“sinong hangal ang naririto at ginagambala ako sa mahimbing kong tulog? Isang lapastangan!” nagulat ako sa kanyang sinabi! Ang laki ng boses niya! Ngayon ko lang namalayan na nanginginig ang mga binti ko! Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko! Ano to?!
“s-sino ka?” kinakabahang tanong ko sa kung sino man yun!
“nakakapanibago! Isang estranghero ang naririto sa aking lugar! Ano ang ipinarito mo?” ani niya.. pero hindi ko siya mahanap sa paligid! Baka naman multo siya?! Nakuuu!!!
“ako? Ewan ko! Bigla na lang akong nagising dito!” sagot ko naman! Tama, ano nga bang ginagawa ko dito? Paano ba ako napunta dito?
“HAHAHA!” tawa niya! Grabe naman kung makatawa to, wagas! Ang lakas pa! Umeecho pa nga sa lugar! Waaahh! Nakakatakot tuloy! “hangal! Tanging ang tagapagmana lamang ng aking kapangyarihan ang napaparito! Tanging ang tagapagmana lamang ang kayang gisingin ako sa mahimbing kong pahinga! Tanging ang tagapagmana lamang ang kayang gumamit ng aking kapangyarihan!”
“t-teka lang po! H-hindo ko po kayo maintindihan!” putol ko na sa kanya! Wala akong magets sa sinasabi niya eh! Sayang pa laway niya!
“isang tanong, sino ka?” nag-iba ang tunog ng boses niya.. parang ang seryoso bigla!