CHAPTER 17
Reede's POV
what the eff!! paano niya nagawang ilagan ang tira ko? I mean, I just can't believe it!
His pointing the edge of his sword under my chin.. punyete! Hindi to pwede! Hindi pwedeng matalo ang isang Reede sa isang lampang tulad niya!
kahit na nasa ilalim ng baba ko ang spada niya, nakatayo lang din siya sa harap ko at medyo nagulat din sa ginawa niya.. so I took it as my chance.. with my sword, tinira ko ito sa katawan niya, kaya naman napaatras siya ng patalon.. I stood and regained my posture.. umatake na ulit ako.. and to my surprise, talagang naiiwasan na niya ang mga tira ko! Pero hindi naman siya lumalaban.. aba at!!! nakakainsulto yun ah! Nakakabwisit! Wala ba siyang balak na gamitin ulit yang spada niya? Nagmumukha akong tanga nito eh! Kaya, sige lang ako ng sige sa pagtira!
“STOP!” napatigil ako sa paggalaw at napalingon sa sumigaw, si Marrey! Ang seryoso ng mukha niya! May nagawa ba kami? Siguro tong kutong lupa ang may kasalanan! “that's enough! Magpahinga na muna kayo!”
“teka lang.. kakasimula pa lang natin ah, tapos na agad?” sagot ko kay Marrey..
“alam ko! Tama na yung nakita ko!” sabi naman ni niya.. pero hindi ko maintindihan kung bakit niya kami pinatigil.. tumayo siya at pinagpag ng konti ang mga binti niya.. “hanggang dito na lang Reede, may mission ka pa, remember?” O.O hala! Tama nga siya! May mission pa nga ako! Paano ko nakalimutan ang isang napakahalagang bagay?! Lagot na!
“naku! Maraming salamat sa pagpapaalala sa'kin! Siguradong malalagot ako sa Hari pag di ko nagawa yun!” I said at lumapit kay Marrey.. “buti at nandyan ka to remind me..” then ginulo ko buhok niya.. napailing tuloy siya.. cute niya talaga! Pero, dali dai naman akong umalis.. “sige na, bukas na ulit..” pahabol ko pa..
“okay! Bye! Ingat ka!” sagot naman niya! She really cares about me! Nakakainlove lalo eh!
Bogs' POV
bakit kaya pinatigil ni Aixe ang training? Pabigla bigla kasi eh! Hinihingal pa nga ako na nakaupo dito eh! Grabe, sunod sunod kasi ang mga tira ni Reede.. ang bilis pa niya! Ang hirap ilagan..
so, may mission pa pala si Reede kaya napahinto kami.. alam na alam ni Aixe ah! -__- masyado naman ata silang close? Tsk! Teka! Ba't ba parang affected ako? Aissshh!! hindi kaya! Hindi talaga!
Umalis na si Reede.. nagmamadali pa nga eh! Sana madapa ka!
Tumayo na rin ako! Naglakad ako papalapit kay Aixe.. she's giving me a serious look! May nagawa ba ako? Naiilagan ko naman kahit papano yung mgga tira ni Reede ah! Ba't ganyan siya kung makatinngin? Akala mo naman may kasalanan akong nagawa! Waaaahh! Leche naman oh!
“w-what?” natatakot kong tanong sa kanya..
“^__^ good job Bogs!”
O.o ano? G-good job daw ako? Teka nga! Kanina lang ang serious ng itsura niya, tapos ngayon, ang cute ng smile niya! Wtf! Did I just said cute? Okay! Cute naman talaga siya eh!
“eh? T-talaga?”
“hmmm..” then she nodded.. “although halatang nahihirapan ka, but atleast, nagawa mong ilagan ang mga tira ni Reede.. nagawa mo ang mission mo..”
“mission ko? Meron ba ako nun?” naguguluhan kong tanong! Oo nga naman! May mission pala ako? Ba't di ko alam?
“oo! Dba nga, kailangan mo lang ilagan ang mga atake niya.. yung lang naman ginawa mo eh.. ni hindi ka nga lumaban..”
“ah-eh.. ahhhh.. yun pala! Paano naman kaya ako makakaatake sa kanya kung sunod sunod ang mga tira niya? Di nga ako makakuha ng oras para gumanti eh!” pagmamaktol ko! But, she lightly laughed! Ngayon ko lang nakita ang ngiting yun.. isang napakasweet yet cute and innocent smile.. ang ganda niya >____<