CHAPTER 16

144 1 2
                                    

CHAPTER 16

Bogs' POV

“a-araaayy naman! Dahan dahan naman! Masakit kaya!” angal ko kay Aixe na kasalukuyan akong ginagamot.. pano ba naman, walang patawad na inaatake ako nung walang hiyang Reede na yun! Porke magaling lang siya, porke lamang siya sa experience sa'kin, kala mo kung sinong mayabang!

Siguro walang utak yun! Alam naman niyang baguhan pa lang ako, sige parin ng sige sa pag-atake sa'kin.. ito namang si Aixe, di man lang ako pinagtanggol o di kaya pinatigil man lang si Reede! Alam niyo ba yung salitang BWISIT?! Yun yun eh!

“pwede ba! Tumahimik ka nga! Puro ka reklamo eh!” sagot ni Aixe, at diniinan pa talaga yung paglalagay ng ewan sa braso ko! T_T sadista siya!

“eh sa masakit! Tapos di mo pa pinatigil yung training eh alam mo naman na wala akong laban diyan sa lalaking yan!” I said sabay tingin kay Reede na nakasandal lang sa pader sa gilid.. then, he just smirked! Tsk! Yabang talaga!

“pano ba naman kasi, ang dali dali na nga ng training, di mo pa magawa! Kailangan mo lang namang ilagan yung mga tira niya! Anong ginawa mo? Takbo ka lang ng takbo! Sigaw ng sigaw!”

“eh kasi nga--”

“eh kasi nga takot ka! Whatever Bogs!” putol ni Aixe! Umepal talaga hah! “kung gusto mo akong tulungan para matapos nato, you need this training! And besides, hindi ka naman siguro bulag para hindi makita yung mga atake niya, at lalong hindi ka naman paralyzed para di mo maramdaman yung paggalaw niya!” galit pa niyang sabi.. kainis talaga!

“ang bilis kaya niya..” mahinang bulong ko sa sarili ko..

“ano? May sinasabi ka ba dyan?” tanong niya sa'kin with a bad glare! Ewan ko sayo! Bahala ka dyan! Kaya nanahimik muna ako!

Reede's POV

hina talaga! Lampa! Weak! Lame! Name it, siya yan! Sino pa nga ba, edi yang kutong lupa na dinala ni Marrey dito! Yang Bogs na yan!

At talagang nagpapaawa pa kay Marrey! Buti at hindi siya tinablan ng awa dyan!

Nakakainis lang tignan kasi ginagamot siya ni Marrey ngayon! Buti pala dinahan dahan ko na lang, para konti lang gagamutin ni Marrey! Masyado kasi silang malapit sa isa't isa eh! Nakakabwisit!!

“ayan, tapos na!” biglang ani ni Marrey! Buti at tapos na!

“tsk! Tagal naman nun! Oh ano, balik na tayo sa training?” tanong ko kay Marrey! Malamang sa kanya, dahil kung kay Bogs..

“O.O AAANNNNOOO??!” sigaw ni Bogs sabay napatayo! Kita niyo na! Talagang magrereklamo yan! Weak nga dba?!

“mamaya na muna..” singit naman ni Marrey.. suss.. sayang naman! “kumain na lang muna tayo.. gutom na rin kasi ako eh!”

“hmm.. buti pa nga!” sagot ko.. tama, gutom na rin kasi ako eh!

“haaiiyy.. salamat!” pagbubuntong hininga naman ni Bogs..

“tsk!” nagsmirk na lang ako!

Aixe's POV

naglalakad na kami papuntang labas ng palasyo.. ayaw kong kumain dito, ang gara kasi ng pagkain! Hindi ako sanay! At isa pa, ang boring kaya dun! Ang haba nga ng dining table, pero mag-isa ka lang kumakain! Oh dba, awkward!

“MAAARRRREEEEEYYY!!!” hala lagot! May tumatawag sa'kin! At kilalang kilala ko ang boses na yun! Dahil narin late na ako makareact, wala na! Nakayakap na siya sa'kin! “waaahhh!! ba't di mo sinabi na uuwi ka pala >3< nakakasama ka naman ng loob!” pagpapacute pa niya..

My Warrior in Disguise (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon