CHAPTER 21
Aixe's POV
dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Nung una, it was blurry. Di kalaunan, naging klaro na rin ang lahat.
Nasaan ba ako? Ang huling naalala ko ay nakikipaglaban ako. Anong nangyari? Si Bogs, nasaan siya? Teka! O.O si Bogs!!
agad agad akong bumangon, pero dahil na rin sa sakit ng katawan ko, halos matumba tumba pa ako. Nabigla na lang ako ng may biglang nagsalita.
“wag ka muna masyadong gumalaw. Masyadong pagod ang katawan mo sa labanan niyo. Masyado mong sinagad ang sarili mo.” walang ekspresyon niyang wika sa'kin. Hindi ko siya kilala. Ang totoo, ito ang unang beses na nakita ko siya. Ramdam ko ang dugong Alberion mula sa kanya.
“sino ka?” tanging nasabi ko. Tapos tumayo siya at lumapit ng konti sa'kin.
“ako nga pala si Brynn. Mula sa Duro, eastern part ng Mallaux. Ikinagagalak kong makilala ng personal ang magiting at tanyag na Blazing Flame Manipulator..” pagpapakilala niya sabay nagbow..
hindi ako basta basta na lang magtitiwala sa kahit na kanino, lalo na sa mission ko..
“alam kong may alinlangan ka sa akin, ngunit maaari mo namang tanungin ang hari nang tungkol sa'kin at nang mapanatag ka..” suhesyon niya.. tama siya, pwede kong tanungin ang hari.
“pero, teka, nasaan si Bogs?” nag-aalalang tanong ko..
“yung lalaking nagtataglay ba ng fragment? Naroon lang siya sa labas at nagluluto. Kanina pa siya nagkamalay..”
“paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?” naguguluhan kong tanong..
“nabanggit ng kalaban bago man siya tumakas..”
“ganun ba? Kung ganun, tumakas pala siya. Nakakainis!”
“oo. Malamang ay nanghina din siya ng husto sa laban niyo.”
“tss!” yan na lang ang nasagot ko.
Natalo ako sa laban namin dba?ito ang unang beses na natalo ako. Kung hindi marahil sa lalaking ito, malamang ay binalak ng kalaban na kunin kay Bogs ang fragment.
“kung gayun, maraming salamat..” ani ko sa kanya.. “kung hindi dahil sa tulong mo, o kung hindi ka dumating, marahil ay nabigo na ako sa mission ko.. kaya utang ko sayo ang kaligtasan namin.” saka ako yumuko.
“walang anuman yun. Bilang kapartner mo, dapat lang na tulungan kita.” napakunot noo ako sa sagot niya. Anong ibig niyang sabihin?
“kapartner? Anong sinasabi mo dyan?”
“naatasan akong tulungan ka sa iyong mission ng hari ng Mallaux. Batid ko ang pag-aalala niya sayo ng personal niya akong pinuntahan sa Duro at pinakiusapan na tulungan ka.”
'ang laki talaga ng topak ng matandang haring yun!” mahinang kong ani.. “ganun ba? Mukhang wala na rin naman akong magagawa dahil andito kana rin lang..”
“ganun na nga.. mabuti pa ay kumain ka na muna. Mukhang handa na rin naman ang pagkain.”
“oo sige..” yan alng ang nasagot ko. Ano bang problema ng lalaking to, napakaflat lang ng expressions niya. Ang boring ng itsura niya! Ewan ko lang tuloy kung makakatulong to o hindi.
Tumayo na ako at lumabas na kami papunta sa hapag kainan. Saktong natapos na rin naman si Bogs sa pagluluto.. ngayon ko lang din napagtanto na andito na pala kami sa tinitirhan ko dito sa mundo ng mga mortal..