CHAPTER 20

119 1 0
                                    

CHAPTER 20

Aixe's POV

arrrrggg!!! this is so not happening! Things are getting more dangerous now!

I'm still on the run of defeating this irritating Yaborym, then another enemy appears!

I need to finish this Yaborym now, dahil kung hindi, baka maging huli na ang lahat para mailigtas ko si Bogs.

I gave him a a piece of my Knuckle Fist and hit him, so I immediately flew to Bogs. Nagmamadali na ako! Hindi ko kilala yung creature na nasa harap ni Bogs ngayon. Pero isa lang ang maisisisguro ko, malakas siya! Ramdam ko ang napakalakas na enerhiya mula sa aura niya. Iba din ang itsura niya, nakakatakot! Basta, ang hirap ipaliwanag ng dating niya!

That creature, hinawakan niya ang fire sphere kung nasaan nakakulong si Bogs, at nagulat ako ng bigla itong nawala! Paano niya nagawa yun?!

Akmang lalapit na sana ang creature na yun, pero tinirahan ko siya ng isang malakas na fire ball, kaya naman napaatras siya at nakalayo ng kaunti kay Bogs. Kaya naman, mabilis akong lumipad sa harap ni Bogs. Ngayon, nasa likod ko na si Bogs. Kailangan ko siyang protektahan, ano man ang mangyari!

Tinitigan ko ang nilalang na nasa harap ko. Para lang tao ang anyo niya. Ang kakaiba lang ay yung ulo niya na natatabunan ng bandages at tanging pulang mata niya lang ang nakikita. Nanlilisik ang mga mata niya. Yung parang ano mang oras, handa siyang pumatay.

“sino ka?” lakas loob kong tanong sa kanya..

“ako si Zbrac. At inutusan ako ng hari ng Brimwick na kunin ang fragment mula sa lalaking yan na nasa pangangalaga ngayon ng Blazing Flame Manipulator, ikaw!” walang ekspresyon niyang sagot sa'kin.. Zbrac?! Parang narinig ko na ang pangalang yun. Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. At pansin kong tanging dalawang spada lang na nasa likod niya ang meron siya. Teka lang.. hindi kaya?

“hindi kaya... ikaw ang kilalang.. Destructive Blade ng Brimwick?” tanong ko ulit sa kanya.. at napangisi siya..

“kung ganun, narinig mo na pala ang tungkol sa'kin.. kaya naman, ibigay mo na sa'kin ang fragment ng wala ng madamay pa..”

“never! You'll have to defeat me first before you lay your hands on him!” matapang na tugon ko sa kanya.

Alam kong mahihirapan ako sa kanya. Siya ang tanyag na Destructive Blade ng Brimwick, at kilala siya sa napakatalas na mga atake niya! Wala siyang awa kung pumaslang. Marami na rin siyang tinalo at napatay na taga Mallaux dati, kahit pa ang malalakas na kawal pa ay kaya niyang talunin. Pero, hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya!

“kung ganun, humanda ka, dahil hindi ako magiging mabait sa'yo..”

“ganun din naman ako sayo..” at hinanda ko na ang sarili ko para umatake..

susugod na sana ako ng biglang.. nawala siya! Ang bilis ng kilos niya! Nasaan siya?!!! leche! Sa likod ko! Si Bogs!!! kaya naman dali dali akong tumalikod. Laking gulat ko na lang na sinasakal na pala ng Zbrac na yun si Bogs! Napaangat pa nga sa lupa si Bogs dahil na rin sa sobrang lakas at higpit ng pagkakasakal niya sa kanya. At halatang nahihirapan ng huminga si Bogs. Pilit niyang kumawala pero hindi niya magawa. Akmang sasaksakin na sana si Bogs ni Zbrac ng kanyang spada, pero pinigilan ko siya at umate ako. Isang kamay niya ang nakikipaglaban sa mga tira ko habang yung isa naman, nakasakal pa rin kay Bogs. Punyeta! Ang lakas ng lalaking to!

Pinagliyab ko ang aking spada ng apoy, ibig sabihin, seryoso na ako! Pinalibutan ko din ang buong katawan ko ng apoy, ibig sabihin, pinapalakas ko na ang kapangyarihan ko.. agad na akong umatake sa Zbrac na yun. Ramdam niya ang malakas na tira ko kaya napapaatras siya. Patuloy ko siyang tinirahan hanggang sa binitawan na niya si Bogs. Bumagsak naman si Bogs, at napapaubo habang hawak ang leeg niyang nasaktan.

My Warrior in Disguise (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon