CHAPTER 41

68 2 2
                                    

CHAPTER 41

Bogs' POV

Its been 15mins since the war began, and many of our armies were killed by the dark creatures of the south!

"Damn!" I mumbled to myself

Hinahabol ko na rin ang hininga ko dahil sa pagod, pero nakakaya ko pa rin para sa mundong ito! Para kay Aixe!

Hindi lang si Shinn, aka Reiza ang kalaban ko ngayon, inaatake rin ako ng mga sobrang panget na mga nilalang!

"Kraaaaaaaa!!" Sigaw ng isang Gobel sabay hagis ng laway niyang nakakadiri!

Agad ko naman itong sinangga ng spada kong lumiliyab.

I fired him with my fire balls, kaya ayun, talsik siya!

Isa namang Snipez ang lumipad ng mabilis patungo sa kin at tinutuk ang kanyang needle-butt sakin. Tumakbo ako upang ilagan yun, ngunit hinabol parin niya ako.

Palipad lipad niyang ginagalaw ang puwet niyang may nakatusok na spada. At paulit ulit ko rin itong hinaharangan ng spada ko.

Bigla na lang itong bumagsak!

Mula sa likod nito ay nakita ko si Reede, na alam kong may kagagawan sa pagmatay ng Snipez.

"Salamat."

"Tss! Wag mong patagalin ang buhay ng kalaban, masasayang lang pagod mo."

"Okay. Kaya lang, paano to ngayon?" Paano ko matatalo ang kalaban kung marami silang nakapaligid samin ngayon.

Napapaatras kami ni Reede hanggang sa nagtagpo na ang aming likod.

Napapalibutan na kami!

Naramdaman na lang namin ang pagyanig ng lupa.

At sa isang iglap, gumuho ang lupang tinatayuan ng kalaban at ibinaon sila sa ilalim.

Natatanaw namin mula dito ang humihingal na lalaking may pakana ng pagguho ng lupa, "salamat!" I said.

"Wag nga kayo babagal bagal! Parang may hindi tama kasi!" Batid ni Brynn.

"Tama siya. Parang may kakaiba. Nakapagtataka't wala dito yung mayabang na lalaki na dumukot kay Marrey." Sabi naman ni Reede.

Napalingon ako sa langit, "sa tingin ko, lumabas na ang sagot." Sabay turo.

Lahat kami ay nagulat sa nakikita namin.

Parang isang laser light ang mabilis na lumiwanag sa langit, mula sa palasyo ng Brimwick. Hinati nito ang ulap.

Ngunit, naantala kami dahil patuloy sa pag-atake ang mga kalaban.

Mukhang tama nga ang kutob nila, may hinding magandang mangyayari dito. "Bilisan natin dito! Kailangan nating makapasok sa palasyo!" I shouted

"Tama! Bago pa mahuli ang lahat!" Pagsang-ayon ni Reede. At isang tango lang ang sagot ni Brynn.

Reiza's POV

Sa kalagitnaan ng labanan, napansin ko ang pagliwanag ng langit.

Nagsisimula na pala ang ritual!

Ito ang magiging daan namin upang makamit ang ikalawang kaharian na ninanais ng aming angkan.

Maliban sa mundong ito, ang Alberion, nais din namin pagharian ang mundo ng mga mortal!

At sa oras na magtagumpay ang ritual, mabubuksan na nito ang lagusan sa kabilang mundo, at malayang makakalabas pasok kami doon.

My Warrior in Disguise (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon