CHAPTER 23

112 2 0
                                    

CHAPTER 23

Bogs' POV

“Aixe! Anong ibig sabihin nito? Bakit hindi ako maalala ng pamilya ko!” pasigaw na pagrereklamo ko kay Aixe! Pano ba naman kasi, nung kaninang uuwi na sana ako, hindi ako makilala ng pamilya ko. Sabi pa nila 'who are you' daw! Lechugas naman oh! Sarili nilang kadugo tapos who are you lang?! Aisssshhh!!

“teka teka teka! Hindi ko alam! Pwede ba, huminahon ka muna. Pati ako, nadadamay sa pagkataranta mo eh!” sagot ni Aixe saka siya nagcross arms.

Nakakainis! Siya pa tong may ganang magalit. Eh ako tong kinalimutan noh! Tumahimik na lang muna ako at padabog na umupo.

“hindi kaya may kinalaman ang fragment dito?” nakalutang na tanong ni Aixe.

“parang imposible yang iniisip mo. Sabihin na nating nagamit nga ni Bogs ang kapangyarihan ng fragment, pero wala akong nakikitang dahilan para mawala ang existence niya dito...” mahinahong sagot naman ni Brynn.

“existence?” nakakunot noong tanong ko.

“sabihin na nating parang alaala mo.” sagot lang ni Brynn.

Wala akong maintindihan. Ang gulo na ng lahat ng ito. Bakit ba sa'kin pa nangyari to! Ang malas naman ng buhay ko oh!

“isa lang ang naiisip kong dahilan..” mahinang wika ni Brynn, pero pareho kami ni Aixe na napalingon na may nagtatakang tingin sa kanya.. “ang contract na ginawa niyo..”

O.O

“paanong mangyayari na may kinalaman ang contract?” tanong ko.

“walang nabanggit si Sorceress Yena na kaya nitong lamunin ang existence mo..” sabi naman ni Aixe..

“siguro ay hindi niya rin alam. Pero dba, nabanggit mo na kaya nitong palabasin ang ttunay na kapangyarihan na nakatago sa loob mo?” sagot naman ni Brynn na lalong nagpagulo sa utak ko.

“o ngayon? Anong kinalaman nun?” tanong ko naman

“marahil ay hindi ka talaga nabubuhay dito sa mundong ito..” seryosong sagot niya.

“anong ibig mong sabihin? Na patay na ako? Na isa na lang akong multo?” pagwawala ko na..

“tumahimik ka nga muna! Wag ka nga muna masyadong magreact dyan! Ang OA na eh!” wika naman ni Aixe saka ako binatukan. Masakit yun ha T__T ako na nga tong problematic, ako pa tong agrabyado! Pero, nanahimik na lang din ako.

“hindi kaya hindi ka talaga mula dito sa mundong ito?” dagdag pa ni Brynn

“ang ibig mo bang sabihin ay galing siya sa Alberion?” nagtatakang tanong ni Aixe. Pero tumango lang si Brynn bilang sagot.

“no way! NO WAY!!” paghihisterical ko!

Brynn's POV

nakakapagtakang hindi na maalala ng lahat si Bogs. Kahit mga kaibigan niya ay walang nakakaalala.

Kahit na pinalipas namin ang gabi tungkol sa issue na yun para magpahinga, hindi pa rin ito mawala sa isip namin.

Wala akong ibang maisip na salarin kundi ang contrata na ginawa nila. Siguro ay naimulat nito ang tunay na katauhan ni Bogs. Pero, bakit hindi ko maramdaman ang dugong Alberion sa kanya? Yun ang lalong nagpapalala sa sitwasyon nato.

Hindi ko rin naman kayang isisi ito sa fragment na nasa katawan niya. Ang alam ko, walang kakayahan ang Marble Crystal na iseal ang kahit na ano. Kaya malakas ang pakiramdam ko na wala itong kinalaman.

My Warrior in Disguise (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon