EPILOGUE

6.7K 117 10
                                    

Dalawang makikislap na mga mata ang unang bumungad sa aking umaga. Maaga pa pero parang kompleto na agad ang araw ko ng makapiling ko ang aking minamahal na si Nicole. Kitang-kita sa mga mata niya ang kasiyahan at ang kanyang pagmamahal, pati na rin ang kanyang mapupulang labi na ubod ng matatamis na ngiti. Ang saya sa pakiramdam na makapiling mo ang taong hinihiling mo noon. Yung taong ipinaglaban mo at yung taong pinanghahawakan mo habang buhay.

"Good morning mahal kong asawa." Bigkas nya.

"Good morning wife." Sabi ko at di maiwasang mapangiti nang masabi ko ang salitang wife.

Sa wakas, naging asawa ko na si Nicole. Kahapon pa lang, hindi ako makapaniwala na ikinasal na kaming dalawa. Ang bilis ng pagtakbo ng oras.

Kung masaya ako kahapon, lalo ma kaya ngayon na proud ko ng ipakilala sa buong mundo ang aking minamahal na asawa.

"Alam mo..."

"Hindi ko pa alam" putol ko. Natawa ko nng hinampas niya ako.

"Patapusin mo muna ako." Nakapout pa nyang sabi.

"Ay sorry naman hahaha"

"Alam mo Khym, palagi kong pinapaginipan ang ganitong scenario, na katabi kita sa pag gising ko." Aniya.

"At ngayon? Pati reality mo na? Edi dream come true na diba?"

"Oo syempre, pero hindi lang yan..." Bitin niya.

"Eh ano pa ba?"

"Edi itong cute na bata na katabi natin."

Sabay turo niya sa cute na sanggol na nasa tabi lang namin. Si Alex, ang pinaka una naming baby.

3 years kasi kaming magkafiance ni Nicole, sabi ko kasi wag namin madaliin yung kasal at para na rin makapag adjust siya lalo na sa totoong nyang ama. I said yes of course. Hindi na ako nag pabebe sa kanya kaya sagot ko yes agad. 2 years bago ang kasal, sinubukan namin pumunta ng doctor para humingi ng advice lalo na sa pagpa family planning. Nag jak en poy pa nga kami ni Nicole kung sino ang magdadala ng bata.

Joke lang. Syempre siya nag volunteer kasi gusto niya daw. Saved by the volunteerism of my wife (Never ko kasi pinangarap ang magdadala ng bata, ssh) Anyways, pagkatapos nun, naghanap kami ng sperm donor, and luckily may nag volunteer din, secret na kung sino iyon basta gwapo siya. Dapat lang! Para naman maganda yung baby namin.

Ayun nagwork siya at successful naman. May panganay na kami at ang ganda-ganda ng baby namin. Syempre naman, saan pa ba nagmana?

A few months pagkatapos ng pagbunga ng aming panganay, nagpasya na kaming ipagpatuloy ang aming plano sa pagpapakasal. At eto na kami ngayon, Mrs. & Mrs. Khym Gomez.
We exchanged our vows and I do's, and also she has become a part of my soul. Isang pangarap pa ito noon, pero ngayon ito'y natupad na. Sino ba'ng tao ang hindi makakadarama ng kasiyahan at pagkontento ng makita mo ang iyong mahal, naglalakad patungo sa altar, nakangiti, kumikislap ang mga mata at nakatitig sa'yo? Ang sarap ding isipin na ang mga iyon ay ako lang ang natatanging dahilan.
Habang naglalakad siya, bumalik ang lahat ng nakaraan, kung paano namin ipinaglaban ang aming pagmamahalan. Kung paano namin kinaya ang bawat pagsubok. Kung paano namin inayos ang bawat problema. Kay dinami-dami ng mga alaala ang bumabalik sa aking isipan, naging malungkot man kami o masaya, ang importante ay ang pag-ibig namin sa isa't isa na walang kupas at walang hangganan.

"Obvious talaga sa mukha mo na hindi ka pa rin makaget over kahapon."

Napalingon ako kay Nicole na naka upo sa may sala. Nakaupo lang ako sa kabilang sofa na nakaharap sa kanya.

"Sino ba naman hindi maka get over? Sobrang memorable nun."

Ngumiti siya at lumapit sa akin. Umupo siya sa lap ko at niyakap ang aking leeg.

"Ako rin nga eh. Parang panaginip lang na inuulit sa aking isipan ang mga pangyayari."

"Ahh mahal kong asawa." I pulled her into my arms and hugged her tight.

"Ang sarap sa pakiramdam kapag kayakap kita babe. Ikaw na ang pinaka comfortable pillow ko!" At nag snuggle ako sa ilalim ng leeg niya.

"Unan na pala ako ngayon?" Natatwang tanong niya.

"Unan, kumot, kama, all in one!"

Kiniliti niya ako sa bewang pero di talaga epek sa akin yun kaya ako ang kumiliti sa kanya. Masaya kaming nagtatawanan at nag uusap sa mga bagay-bagay. Pagkatapos nyan, pinuntahan namin si Alex sa kwarto niya at nakitang naglalaro sa loob ng crib niya.

"Ang cute ng baby natin noh?"

"Syempre. Nagmana sa'yo Nic."

At nagblush naman siya.

Lumapit kami sa crib at inalagaan yung baby namin. Mabigat si Alex kasi malusog na malusog siya. Blessed kami dahil walang masamang nangyari kay Nicole nung ipinanganak niya si Alex. Mabuti talagang mag alaga ang asawa ko :)

Ilang oras ang nakalipas, nakatulog na si Alex at lumabas na kami ng kwarto niya.

"Manang, paki bantay po kay Alex ha? Aalis muna kami ni Nicole." Paalam ko sa baby sitter namin.

"Cge iha. Ingat kayo."

Dali2 kaming nagbihis at pagkatapos nagtungo na kami sa sasakyan. 20 minutes ang lumipas, nakarating na kami sa bar. Nakita namin si Angela at Jane sa labas, naka antay samin.

Balak kasi namin mag post celebrate na kami lang. Parang double date lang.

"Magpaparty pa ba talaga tayo?" Tanong ni Nicole.

"Oo naman. Hindi porket may edad na tayo, hindi na pwede. Last na natin to. Gusto ko kasi magcelebrate tayo bago mag bagong buhay. Lalong lalo na sa pag aaruga natin kay Alex. Pwedeng pre-honeymoon na rin."

"Manyak ka talaga kahit kailan." Sabay hampas niya.

Lumabas na kami sa sasakyan at nagtungo sa kanila.

"Ready na kayo?" Tanong ni Angela.

"Last na'to. Whoo!"

Alam ko na sa pagkatapos ng araw na to, babalik na kami sa realidad. Bagong buhay at may bagong kasama sa bahay na si Alex. Alam ko na marami pa kaming dapat matutunan ni Nicole. Marami pang problema at pagsubok na dapat namin harapin, pero kahit anuman ang mangyari, hinding-hindi ako susuko.

Simula pa lamang ang lahat ng 'to.

-------------------------------------------------------

A/N: Maraming salamat po sa mga nagvote, nag add sa kanilang mga RL at mga nagsubaybay sa Heart Lies! Super masaya talaga ako sa mga feedbacks nnyo at saka sa mga taong nagmessage sakin :)

Malungkot man sabihin ending na ito ng HL pero atleast dba masaya ang ending. Hahaha anyways, salamat ulit sa mga mambabasa na walang sawang sumusupporta ng storyang ito. Dito na po nagtatapos ang storya nina Khym at Nicole.

The end.







Plug:
I have another story, entitled You're Under Arrest. Baka po gusto niyo itong basahin. Promise maganda ang YUA kasi iba ang genre na sinusulat ko dun. May halong action na romcom :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon