Dedicated to sa friend kong nagmomove-on :) I know nakakarelate ka sa pinagdadaanan ni Khym, and thank you rin kasi you accepted me as your friend. I hope everything’s gonna be alright.
Here’s chapter 47! :)Khym’s POV
Nandito lang ako ako sa isang madilim na tulay, konting sasakyan lang ang dumadaan at tahimik lang ang kapaligiran. Kanina pa akong nakaupo dito, inaalala ko kasi ang lahat na nangyari kanina, at naghahanap ako ng paraan upang limutin ang lahat na nangyari at para na rin makapag-move on na ako. Pero parang di ko pa rin kayang gawin yun…
Ilang oras na akong naghintay sa reply niya pero kahit ni isang text, wala talaga. Minsan may nagtetext saken pero si Jace at Janeth lang pala, nag-aalala sila at nagtatanong kung nasaan ako. Buti pa sila nag-aalala, pero si Nicole parang wala lang ako sa kanya. Di pa nga niya ako pinigilan kanina eh, ibig sabihin nun di na niya talaga ako mahal. Ayokong umasa pero andito ako ngayon, umaasang magreply siya sa text ko pero wala pa rin talaga.
Namamaga na yung mga mata ko sa kaka-iyak, pati sipon ko kanina ko pa hinihingos. Lecheng sipon to oh! Tsk.
Tatayo na sana ako ng bigla akong hilain, muntik na tuloy akong mahulog sa tulay.
“Putang*na ano ba?!” sigaw ko.
“Kung gusto mong magpakamatay, wag dyan! Mayaman ka pa naman tapos dyan ka pa sa isang muddy at dirty river magpapakamatay.” boses pa lang kilala ko na kung sino tong hayop na ‘to.
“Hoy FYI Angela, wala akong intesyon na magpapakamatay noh? Porket nakatayo sa gilid ng tulay, magpapakamatay agad? Di ba pwedeng magpahangin muna?” pamilosopong sabi ko.
“Eh ba’t sa tulay pa? Pwede ka naming magpahangin sa isang beach o sa condo mo eh.” sabi niya.
“Gusto ko dito eh, pakialam mo ba? At paano mo ko nahanap aber?” tanong ko.
“Alam mo frend, pag broken hearted, tulay agad ang iniisip nila. Kagaya ngayon, alam kong gusto mong magpakamatay dahil sa pagiging broken hearted mo, kaya pinuntahan ko tig-iisa yung mga tulay dito sa Maynila kaya—Aray! Ang sakit nun ha!” di ko siya pinatapos at hinampas ko siya.
“Seryoso yung tanong ko, tss magpapakamatay ka dyan! Gusto ka ikaw yung papatayin ko?” pagbabanta ko.
“Di naman, joke lang yun. Papauwi na sana ako ng makita kita dito, akala ko tatalon ka kaya ayun hinila kita.” sagot niya.
“Muntik pa nga akong mahulog dahil sa’yo eh.”
“Sorry na po.” pagpaumanhin niya. “Umm, okay ka lang?” dagdag niya.
“*sigh* Hindi.” sagot ko.
“Alam ko na ang lahat na nangyari, sana tinanong muna kita. Sorry.”
“Okay lang yun. Nangyari na ang nangyari, wala na tayong magagawa dun. Paano mo nalaman?”
“Nakita ko kasi si Zach at yung pinsan niya sa basement. Pupuntahan ko sana si Nicole pero sabi nung si Jace na mamaya ko na daw siya kakausapin kasi nag-uusap pa daw kayo. Kinuwento niya saken ang lahat ng nangyari kaya ayun nalaman ko.” kwento niya.
“Ahh.” tipid na sagot ko. Uminit ulit yung ulo ko. Sa tuwing naririnig ko yung pangalan ni Zach, di ko mapigilan yung galit sa kanya.
“Tara, hatid na kita sa condo mo.” aya niya.
“Ayoko, andun si Nicole.” sabi ko.
“Wala na daw siya dun, umalis siya. Nasa bahay siya ni Jane, nakikistay. Nung una pumunta siya sa bahay ko pero di ko pinayagan kasi galit ako sa kanya, naawa si Jane sa kanya kaya ayun.” sabi niya.
BINABASA MO ANG
Heart Lies (gxg)
RomanceMaldita, mayabang, pusong bato, mapaglaro. Siya si Khym, maganda, sexy pero ang sama naman ng ugali. Maraming naghahabol sa kanya dahil sa pera, kagandahan at lastly, s**. Pinaglalaruan niya ang mga babae, kinukuha ang kababaihan nito at pagkatapos...