CHAPTER 20 - Meet your In-Laws

7.3K 144 9
                                    

Nicole's POV

"Tita? Ba't naparating kayo dito?" tanong ko. Biglaan lang kasi ang pagdating niya sa company, galing rin siya sa states. Siya kasi ang nagha-handle ng company dun.

"I want to meet my beautiful iha and her beautiful lov-- ay my other beautiful iha. And diba anniversary na ng company dito sa Pilipinas? So I took a visit." sabay kiss niya sa cheeks ko. Ano daw? Beautiful lov?

Papunta kami ngayon sa isang mamahaling restaurant. Inaya kasi ako ni Khym na makipaglunch sa kanya, pero di ko inexpect na kasama pala si tita. Sabi niya hindi niya rin daw alam na nandito na si tita sa Pilipinas kaya isinama niya nlng daw.

"Nandito na tayo." sabi ni Khym habang pinapatay ang makina ng sasakyan niya.

Pumasok na kami sa restaurant at umupo sa reserved area. Nag order na si tita at si Khym pero wala akong mapili except yung puti na pansit, yun lang alam ko eh. Tinignan ko yung pangalan, ahh carbonara. Ngayon alam ko na, hehe.

"I'd like to have carbonara." sabi ko sa waiter.

Napalingon si Khym saken at ngumiti. Mukhang naalala niya yung nasa yacht kaming nagdalawa. Namumula na naman ako ><

"So how are you Nicole?" tanong ni tita.

"Okay naman po. Masayang masaya. Ikaw po tita?" 

"Oh, I see." ngumiti siya at tinignan niya si Khym na nakatitig lang sa akin. "I'm also happy iha, now that my niece has found someone."

Teka? Alam niya ba ang tungkol namin ni Khym?

Nakita kong ngumingiti si Khym at si tita naman nagwink sa akin. Omg natameme ako dun. Gusto ko sana siya tanungin kaso nahihiya ako dahil kaharap ko si Khym.

"A-ahem." si Khym. "Nics, wala nga pala ako tomorrow. May importante akong gagawin, t-tulungan ko si tita sa..."

"Tutulungan niya ako sa preparations for the event next week. Well you know naman iha na mahilig ako sa parties, kaya pupunta kami ni Khym sa designer ko para magplano sa mga gagawin niyo next week. Okay lang ba yun iha?" biglang sulpot ni tita.

Di ko kasama si Nicole bukas :( Pero wala naman akong magawa eh.

"C-cge po tita. No problem. Ako na po ang bahala sa meeting namin bukas." sabi ko.

Ilang minuto pa at dumating na yung inorder namin.

Kain..

Daldalan..

Tawanan..

May konting kilig kasi inaasar kami ni tita.. Hayy <3

Hanggang sa matapos kami. Nagbayad na si Khym at lumabas na kami sa resto. at bumalik sa office.

"Khym? Dito lang muna ako sa office ni Nicole ha?" sabi ni tita kay Khym.

"Cge po mommy, dito lang po ako sa office." sabi niya.

Pumasok agad ako sa office at si tita naman umupo sa upuan na katapat ng table ko.

"I heard na kayo na ni Khym? nakangiting asar ni tita.

"H-ha?! Hindi pa po tita, wala pa pong kami eh." sabi ko.

"Alam mo iha, I knew it from the start na ikaw talaga yung babaeng makasama ni Khym. You never gave up on her, and that's a really good thing about you. Loyal ka sa pamangkin ko." sabi niya.

"E-eh, alam mo naman talaga yung pinagdadaanan ko tita eh." sabi ko.

"Don't call me tita, call me mommy nlng. Nobya mo naman yung pamangkin ko."

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon