CHAPTER 45 - Ang Pagbabalik

4.5K 103 58
                                    

Nicole’s POV

Ilang alak na ang naubos ko, pero nandito pa rin yung sakit at galit sa puso. Hinihintay ko pa si Zach, sabi niya papunta na daw siya ditto. Habang naghihintay sa kanya, lumabas ako sa kwarto  para maglabas ng galit.

“BWISIT KA!” sabay kuha ko ng frame picture namin ni Khym at inihagis sa pader.

Pati mga unan at mga bagay na ibinigay niya sa akin, itinapon at inihagis ko sa kung saan-saan.

Kinuha ko yung Danbo na stuff toy na ibinigay niya sa akin. Itatapon ko sana, pero parang may pumipigil sa akin na wag gawin yun. Lumuhod ako sa kinatatayuan ko at humahagulgol sa pag-iyak.

Bakit pa ba ako nagtiwala kay Khym? Akala ko naging matino at seryoso na siya, pero bakit ganito pa rin? Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko, pero I ignored them all.

 

Sana di nlng ako naghintay…

 

Sana di nlng ako nagmahal…

 

Sana di nlng siya yung minahal ko…

 

Sana iba nlng…

Puro sana nlng…

Ang bobo ko kasi! Kung bakit pa ba kasi ako humahabol sa kanya, na alam ko naman sa ending na ‘to ay ako yung masasaktan.

Kahit anong magagandang alaala ang pumapasok sa isipan ko, pinapalitan pa rin ito ng galit. Naranasan niyo na bang masaktan? Ako, ilang beses na pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit.

Akala ko nakapagmove-on na siya kay Janeth, pero wala pa rin talaga.

Manloloko…

Akala ko okay na ang lahat, pero…

Sinungaling siya…

Akala ko siya na yung taong makasama ko habang buhay, pero…

Pinaglaruan niya ako…

.

.

.

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon