Khym's POV
"Just say it Babe."
"Of course, yes! Yes! Yes! Matagal na!"
That was the sweetest thing I have ever heard. Ilang beses na akong nanligaw sa mga babae pero si Nicole lang talaga ang pinakamahal ko sa lahat. Bumabalik ng pa ulit-ulit ang linyang yan sa isip ko, di pa rin kasi ako maka get over sa nangyari eh. Of course I felt happy..No, I mean.. more than happy :) Maybe one of the happiest moments in my life. 'One of the happiest' lang yun kasi ang pinaka happiest moment ko ay dadating pa...
And that is to marry Nicole ;)
.
.
.
.
Nandito pa rin ako sa stage at si Nicole naman nasa baba, kayakap yung mga magulang niya. Naiiyak na rin ako habang tinitignan silang nag-uusap ng masayang-masaya. Maya-maya ay bumaba na rin ako para maki-sali na rin sa kanila, yayakap na sana ako sa kanila nung inunahan ako ni Nicole.
"K-khym! M-mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita! You made me the happiest person in the whole world." umiiyak na sabi niya.
"No Babe, it's us who are the happiest couple in the whole world." sabi ko.
...
Kinagabihan
Sinundo namin si mommy sa hotel, hindi siya nakapagpunta kanina kasi busy daw sha at marami syang ginagawa. Sumama na rin sina Angela at Jane sa amin.
"Sayang iha, hindi ako nakapagpunta. Babawi ako sa inyo." sabi ni mommy kay Nics.
"Naku, okay lang po tita. Ang importante kami na ng pamangkin mo." sabi ni Nicole kay tita. Ngumiti naman ito sa akin at di ko mapigilang magblush.
"Ang sweet naman ng mga anak ko. Hali nga kayung dalawa." niyakap kami ni mommy at nakipagbeso na rin.
"Mommy, dun muna ako ha? Magpapareserve lang ako ng room nila Tatay at Nanay. Una lang kayo sa kotse." sabi ko.
Ilang minuto ang nakalipas, bumalik na ako sa kotse. Pumunta kami sa isang mamahaling restaurant na ni recommend ni mommy. Siya daw kasi ang manglilibre eh, pambawi niya kasi di siya nakapunta kanina. Nagmamaneho lang ako habang nakikinig sa mga usapan nila. Si Nicole naman, mukhang hindi pa rin maka get over sa nangyari kanina, ang lapad ng ngiti niya eh. Napangiti rin ako kasi nagblush sha nung nilingon ko siya. Palagi nyang hawak yung kwintas na ibinigay ko sa kanya, mukhang nagustuhan niya talaga yun. Binubuksan niya rin ito pa minsan-minsan at di ko rin maiwasang mamula kapag tinitignan ko. Gosh, girlfriend ko na ba talaga siya?
Nakarating na rin kami sa restaurant. Ang laki nito tapos malapit lang sa dagat, ang ganda tuloy ng view. Makikita mo yung alon ng dagat kasi ang liwanag ng mabilog ng buwan.
"Ang galing mo mamili ng restaurant mommy!" puri ko.
"Ako pa, tara na sa loob. Hinihintay na tayo ng friend ko." aya ni mommy.
Pumasok na kami sa loob at napamangha kaming lahat. Grabe ang ganda! Di mo inakala na ang laki pala ng restaurant na'to. Para kang nakapasok sa malapalasyong lugar, ang haba nga ng dining table eh, parang mesa ng mga hari at reyna sa mga pelikula. Akala ko nga nasa palasyo ako ni Queen Elizabeth. Dinig na dinig mo rin ang mga 'wow' nila Nicole, sumasakit na rin ang panga ko sa restaurant na 'to, nakaka nga-nga!
"Arabelle!" tawag ng isang babae na parang ka edad lang ng mommy ko.
"Helen!" tawag ni mommy sa kanya.
BINABASA MO ANG
Heart Lies (gxg)
RomansaMaldita, mayabang, pusong bato, mapaglaro. Siya si Khym, maganda, sexy pero ang sama naman ng ugali. Maraming naghahabol sa kanya dahil sa pera, kagandahan at lastly, s**. Pinaglalaruan niya ang mga babae, kinukuha ang kababaihan nito at pagkatapos...