CHAPTER 23 - Happiest Surprise

6.7K 121 7
                                    

Khym's POV

"Uy, maghanda ka na. Susunduin pa natin si Mommy." sabi ko habang ginigising si Nics. Kanina ko pa kasi ginigising tapos ayaw pa rin. Ang tigas ng ulo!

"Eyy, inaantok pa ako. 5 min. lang please?" pakiusap pa nito. Kanina pa siya sabi ng 5 min. pero hindi pa rin bumabangon.

"Pang-ilan na ba yan? Kanina pa kitang pinagbigyan ng 5 min. pero hindi ka pa rin bumabangon." naiiritang sabi ko.

"Eh hindi ako nakatulog ng maayos kanina ee." reklamo nito.

Ahh, ayaw mo ha? Pwes...

"Kapag hindi ka babangon, hahalikan kita." pagbabanta ko.

"Eyy, ilang beses mo naman akong hinahalikan ah?"

"Ah ayaw mo pala ha? Baka gusto mo mag level-up?" then I gave her a seductive smirk.

"Urgh! Cge na nga!" inis na sigaw nito. Kinuhan niya yung towel niya at pumasok sa CR.

HAHAHAHAHAHAHA! Ang tigas kasi ng ulo eh, kaya ayun.

Lumabas ako sa kwarto para tawagan si Tito Ramon. Binilhan ko sila ng cellphone para naman makapag-usap kami, especially tungkol sa plano namin at surprise namin para kay Nics.

["Hello Tay? Okay na po ba dyan? Naliligo na po siya."] sabi ko sa kabilang linya ng phone.

["Kakagising lang namin iha. Mag-iihaw na ako ng kambing mamaya."]

["Cge po tay. Text nlng po ako kapag paparating na kami dyan."]

["Cge ingat kayo anak."]

Then inend ko na yung call.

Ah oo nga pala, bibili pa ako ng gift ko kay Nicole. Hindi naman niya birthday eh, pero I want her to feel special. 

Nagpaalam muna ako sa kanya nay bibilhin ako saglit. Lumabas ako sa condo at ginamit yung kotse ko. medyo malayo-layo kasi yung gift shop dito eh. At para naman mas mapabilis yung pagbalik ko. Nagdrive na ako papunta sa gift shop, ilang minuto lang at nakarating na ako.

Pagpasok ko palang sa giftshop, may mga new arrivals at new gifts na sa may gilid ng counter. Tinignan ko yung mga present pero mukhang hindi ito taste ni Nicole. Nakalimutan kong itanong sa kanya kung anong gusto niya eh, hindi ako updated sa new taste niya. Tsk tsk. Nag isip ako ng iba at inalala yung favorite niya nung highschool kami.

Isip...

Isip...

Tsk hindi ko talaga maalala. 

Lumingon-lingon ako para maghanap then one thing caught my eye. Ngayon naalala ko na. Ito yung gusto nya. Kasi nung bata pa kami, palagi niya itong tinitignan, kaso hindi siya makabili kasi wala syang pera. Nakangiti akong inaalala yun, ang cute niya kasi nun eh.

Kinuha ko yun at nagpunta sa counter.

Nakatitig lang yung dalawang babae sa kabilang counter, tsk flirt.

"Ito lang po ba?" tanong ng cashier. At tumango ako.

"Nice choice." sabi ng babae sa kabilang counter.

Ngumiti lang ako, I'm not interested with her anyway. Nung una nakikipagflirt ako sa mga babaeng nagkakagusto saken, pero now? Not anymore. Kasi may mahal na ako and I'm proud of it  :)

Namula naman sila nung tinignan ko sila ulit. Not that I like them pero they're really bugging me with their stares. Inirapan ko sila bago ako makalabas sa shop.

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon