Khym’s POV
Ang lambot ng labi ni Nicole. Hindi ko inaasahan na ang tamis pala nito. Ramdam na ramdam ko ang labi niya kaso nung dumilat ako, nakita ko ang coldness ng mata niya, may halong galit at napakaseryoso. I removed my lips from hers at nagsorry.
“Andito ako para tulungan kita para sa paperworks mo.” Sabi niya na may galit pa rin sa mga mata niya.
“Ah okay. Cge matutulog muna ako, dyan ka na lang sa kama. Dun nlng ako sa couch.” Sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit ang lungkot ko ngayon. Alam ko hindi ito tungkol kay Sara at kay Charlene. Ito ba ay tungkol kay Nicole? Sa emosyon na pinapakita niya kanina nung hinalikan ko siya?
Wait wait wait! Ba’t ba affected ako sa nangyayari e pinaglalaruan ko lang siya noh?! Ay nako! >.< Matulog na nga! Hmp.
Nicole’s POV
Mabuti at nakaya kong itago ang nararamdaman ko para kay Khym. Kahit playgirl siya, sinungaling at masama ang ugali, mahal ko parin siya. Hindi pa rin ako nagsawa na alagaan siya, lalo na kapag umuuwi syang lasing na may kasama ibang babae at iba pa. Kilalang kilala ko si Khym, kasi bestfriend ko siya nung highschool pa kami. Hindi ganyan si Khym nung bata pa kami pero ngayon nag iba na siya. She’s not the Khym I remembered before na masayahin, mabait at napakarespetuhin na bata.
Nagbago ang lahat matapos syang pinaglaruan ng babaeng minahal niya noon. Hindi ko talaga alam ang buong detalye, pero andun ako nun. Ako ang tumulong sa kanya para mapalapit siya kay Janeth. Kahit masakit tanggapin na may nagmamay-ari sa puso niya, tinulungan ko pa rin siya kasi yun ang nagpapasaya sa kanya. Oo, matagal ko ng minahal si Khym. Kaso hindi ako makapagconfess sa feelings ko kasi may iba na sya, hanggang bestfriends lang talaga kami nun. Pero sa mga sinasabi niya sa aking ngayon, na gusto niya akong angkinin, tinatago ko nlng ang nararamdaman ko.
Nasanay na ako sa mga pinaggagawa niya, hinahalikan niya ako pa minsan-minsan. May tiwala naman ako sa kanya pero baka pinaglalaruan nya lang ako. Sa totoo lang, kinikilig talaga ako sa mga sinasabi niya pero nagpapanggap akong galit, cold at masungit para hindi mahalata ang feelings ko para sa kanya. Hindi ko alam kung seryoso siya sa mga sinasabi niya na mahal daw niya ako, umaasa ako na sana magiging totoo ang mga sinasabi niya. Masaya ako kasi ako ang piniling assistant sa company ng parents niya at masaya na rin ako kasi palagi ko siyang makakasama.
“Mik.” Tawag ko.
Nagulat siya nung binanggit ko yun, halata naman kasi kahit nakatalikod pa. Napabuntong hininga sya bago sumagot.
“Wag mo na ulit babanggitin yan.” sabi niya.
“Naalala mo pala?”
“Tss, tulog ka na.” inis na sabi ni Khym.
Mik kasi ang tawag ko kanya nung highschool pa kami. Ewan ko ba kung bakit hindi nya gusto yun. Buti hindi niya nakalimutan ang nakaraan namin. Sana babalik yung dating Khym ko.
Khym’s Pov
Nakatulog na si Nicole habang ako naman nganga sa couch. Di ako makatulog! Tsk! >.< Tumayo ako para kumuha ng alak sa kusina at bumalik ulit sa kwarto. Ang himbing ng tulog ni Nicole, di ko namalayan na nakatutok na pala ako sa kanya. Ugh ang sexy niya talaga! Nakasando lang siya at di naka bra, tapos naka shorts lang, ang ikli pa! Tapos ang mga labi niya, gusto kong matikman. Baka ma re-rape ko si Nicole ngayon. I won’t waste the opportunity kaya hinalikan ko siya ulit. Kahit magalit siya saken, wala na akong pakialam dun.
I deepened our kiss, di ko inexpect na gaganti siya. Nanaginip ba siya? Ang swerte ko talaga!
“Mmm.” Ungol niya.
Bumaba ako para mahalikan na yung leeg nya pero nung ginawa ko yun, bigla akong napaupo at inikot niya yung kamay ko.
“A-aaray! A-ano ba?!” sigaw ko.
Hindi ko alam na marunong pala sya ng martial arts. Kawawa tuloy ako T.T
“Akala mo maiisahan mo ko no? Pwes mali ka. Gawin mo yun ulit baka mapapatay na kita.”
“O-oo na. O-ouch.” Tapos binitawan na niya yung kamay ko at humiga ulit siya.
Muntik na yun ha. Hayy. Pero na tu-turn on ako sa kanya, napaka hard to get kasi. Bumalik nlng ako sa couch at ininom yung alak, at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
----------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Short UD lang po ngayon, medyo busy kasi ee. Vote at comment naman kayo dyan oh? :D
BINABASA MO ANG
Heart Lies (gxg)
RomanceMaldita, mayabang, pusong bato, mapaglaro. Siya si Khym, maganda, sexy pero ang sama naman ng ugali. Maraming naghahabol sa kanya dahil sa pera, kagandahan at lastly, s**. Pinaglalaruan niya ang mga babae, kinukuha ang kababaihan nito at pagkatapos...