Sorry kung delay yung UD ko. Bawi ako guys. Hindi ako nakapag-update kasi nagkasakit yung gf ko. Inalagaan ko muna kasi ang taas ng lagnat niya, caring ako eh :3 Kaya yun ang dahilan kung hindi ako nakapag update. Baka update ko na rin mamaya yung chapter 27. So here it is, chapter 26 :)
----------------------------------------------------------------------
Nicole's POV
Gumising ako ng maaga para matulungan sina nanay at tita maghanda ng breakfast. Si tatay at Khym naman pumunta ng bayan para bumili ng mga gulay at karne para sa kakainin namin mamaya. Mas maaga pa nga gumising si Khym kysa sa akin eh. Pag gising ko kanina, wala na siya sa tabi ko, nasa kusina na siya, tumutulong kay nanay sa pagluluto ng kanin.
Bumalik na talaga ng totoo ang Khym na nakilala ko noon :')
Masaya na ako ngayon dahil sa kanya, pero naisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni nanay. Baka hindi niya kami tanggap ni Khym, baka paghiwalayin niya kami kung dadating ang oras na ipapakilala ko sa kanila na si Khym ang taong minamahal ko. Paano ko kaya sasabihin sa mga magulang ko ang tungkol sa relasyon namin? Okay lang si tatay pero si nanay ang problema ko. Alam nyo naman ang ugali ni nanay, napaka close minded at saka ang sungit. Sa kanya nga ako nagmana sa kasungitan ko eh.
*sigh*
"Okay ka lang anak?" tanong ni mama.
"A-ahm opo okay lang po." sabi ko.
"Kung ano man ang problema mo anak, sabihin mo lang." sabi ni mama.
Huminga ako ng malalim, hindi talaga ako ready eh.
"M-ma?" tawag ko.
"Oh anak?"
"A-ano po ba ang masasabi niyo sa mga same sex?" tanong ko.
"N-naku iha, wag na natin pag-usapan yan. Alam mo naman na hindi ko gusto ang mga ganyan-ganyan. Bakit mo na itanong? Wag mong sabihin na--."
"Ah hindi po! Uhmm, ano kasi... May nakilala po kasi akong tomboy sa office ko kagabi kasama yung nobya na katulad niya rin." pagsisinungaling ko.
"Ahh cge iha. Bsta wag kang makipagkaibigan sa mga taong katulad nila. Bad influence yan para sa'yo. Labas muna ako ha?" sabi ni mama.
"C-cge ma." sabi ko.
..
Nakuuu, anong gagawin ko ngayon? T.T Paano na kami ni Khym? :'(
Kung kailan na ako masaya, may oras talaga na magiging malungkot ka. Masaya na sana pero may problema pa ring dumadating. Kung kailan naging seryoso na si Khym sa pagmamahalan namin, may humahadlang naman. Magiging okay na sana ang lahat kung tanggap kami ni mama. Hindi ko pa nga nasabi kay nanay ang tungkol sa amin ni Khym pero pinagbabawalan na niya akong makipagrelasyon sa kapwa babae :'( Anong magagawa ko?
"Okay ka lang?" tanong ni Khym. Hindi ko namalayan na andito na pala sila ni Tatay.
"Ah--oo. T-tulungan na kita." sabi ko sabay buhat sa mga plastic bag.
Ang hirap magkunwari sa harap ni Khym, lalo na kapag tungkol sa amin ang problema.
Khym's POV
Alam kong nagsisinungaling lang si Nicole, sabi niya okay lang daw siya pero the way she acts today is so weird. Nakikita ko syang nakatulala pa minsan-minsan, she's not even thinking straight when she do things. Hindi na siya nakangiti katulad kahapon at kaninang umaga, bigla lang sya naging malungkot. Ilang beses na akong nagtanong kung okay lang siya, pero same pa rin ang sagot niya. Minsan nga pinapahinga ko muna siya pero sabi niya wag nlng daw.
BINABASA MO ANG
Heart Lies (gxg)
RomanceMaldita, mayabang, pusong bato, mapaglaro. Siya si Khym, maganda, sexy pero ang sama naman ng ugali. Maraming naghahabol sa kanya dahil sa pera, kagandahan at lastly, s**. Pinaglalaruan niya ang mga babae, kinukuha ang kababaihan nito at pagkatapos...