CHAPTER 11 - Heartbeats

10.6K 210 6
                                    

Nicole's POV

Bumabalik na ang Khym na nakilala ko noon. Ang bestfriend kong makulit, napakabait at magalang. Seryoso na siya sa trabaho niya. Minsan nga nauubos na niya ang mga papeles bago lumipas ang araw eh. 3 days before sa deadline na niya natatapos to. Ang grabe talaga ng pinagbago niya, buti at bumalik na siya. Masaya ako para sa Khym ko. Iniisip ko na rin kung paano ako aamin sa kanya na gusto ko siya pero hindi muna ngayon, she needs to be alone for a while para maka enjoy siya sa bagong buhay niya.

Kinikilig pa rin ako kasi pinapa-stay na ako ni Khym sa condo niya. Grabe ang saya ko nun, daig ko pa ang pagpanalo sa lotto. Hindi ko ang alam ang dahilan kung bakit pero okay na yun, makakasama ko na si Khym buong araw. Kahit bestfriend lang ang tingin niya sa akin, masaya pa rin ako kasi kasama ko siya.

"Mik. Uwi na tayo. Gutom na ako ee." sabi ko kay Khym habang tinutulungan ko syang buhatin ang ibang papers na nasa desk niya.

"Cge Nic. Tara sabay na tayo." sabi ni Khym.

Sumakay na kami ng elevator papuntang parking lot. Nung nakarating na kami, inunang binuksan ni Khym ang passenger seat para pa pasukin ako. Ang gentleman-ay gentlewoman talaga ni Mik2 ko :'> At inayos niya na rin ang seatbelt ko. Kahit araw-araw nya pa tong gawin, hindi talaga ako magsasawa at kikiligin pa rin ako <3 Namumula na nga ako ee, nahihiya na tuloy ako kay Khym.

"Okay ka lang Nic? Ang pula ng cheeks mo oh. Ang cute." sabi niya sabay kirot ng dalawang pisngi ko. Ano baaaaaa, baka buong mukha ko na yung mamumulaaaaaa :3

"W-wala noh! Hmp bola." sabi ko. Nagsusungitan pa rin ako kay Khym para di nya mahalata na gusto ko siya.

"Totoo nga, kahit nung mataba ka pa, ang cute mo pa rin! Parang ganito oh.." asar nito habang nilobo nya yung mukha niya. Ang cuuuuuuuuuute!!

"Huwaaaaaaaaah! Waaaaaaaag!" sigaw ko sabay hampas ng balikat niya. Hmp! Kasi tinawanan niya lang ako.

Bumalik na siya sa driver's seat at nagdrive pauwi.

Tahimik lang kaming dalawa sa byahe, naglalaro nlng ako ng games sa phone ko kasi nga nakakabingi yung katahimikan. Ang boring naman ng games ko, space impact! >< Hindi na to uso noh, ang luma na ng laro nato, pati cellphone ko ang luma na rin!

"Hindi ka ba bibili ng bagong phone? Ang old naman ng cellphone mo. Buti pa c lola, naka iPhone na, pero ikaw Nok*a 6310 pa rin!" asar ni Khym.

"Hoy, mas matibay pa rin ito kesa iPhone na yan noh! 2 years lang ang maximum lifespan nyan, pero itong cellphone ko, kahit 10 years, buhay na buhay pa rin!" sabat ko naman.

"Hayyy, baka pagtawanan ka lang ng mga ka employees natin." sabi niya.

"Wala na silang pakialam dun." sabi ko.

Tumawa lang siya at tumahimik sandali. Napansin ko na hindi ito ang tamang daan papunta sa condo niya.

"T-teka, diba dito yung daan? Ba't tayo-" hindi pa ko nakatapos ng bigla syang nagsalita.

"Mag sho-shopping muna tayo."

Sh-shopping?

Khym's POV

Andito kami ngayon sa mall para bilhan ng bagong cellphone si Nicole. Kasi ang cheap ng cellphone niya eh, akala ko nga wala ng mga cellphone na ganun ngayon, eh buhay pa pala :3

Gulat na gulat na pumasok si Nicole sa entrance. Mukhang first time nya ata to o baka ngayon lang ulit nakabalik ng mall.

Ang cute nga nya tignan ee, para shang maliit na bata na excited makapasok sa mall.

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon