CHAPTER 27 - Fiesta II

4.9K 103 2
                                    

Khym's POV

"May contest sa labas. Mukhang enjoy na enjoy nga yung mga tao." sabi ng ninang ni Nicole.

"Gusto ko sanang sumali." sabi ni Nicole.

"Gusto mong sumali? Tara! Friend ko naman yung host sa labas." aya ni Tita Rhea (ninang)

"Eh nahihiya po ako eh." 

"Kakilala ko naman yung host eh, tara na. Isali mo na rin yung boss mo oh." sabi ng tita niya.

Nagulat ako at napaturo sa sarili ko.

"Ikaw lang naman ang boss ng anak ko eh." sabay kindat pa ni Tatay Ramon. Adik talaga to oh. Hahaha!

Hinila na kami ng ninang ni Nicole palabas ng bahay at papunta ng stage. Napatingin naman sa amin ang lahat ng audience, parang artista lang ang peg XD Pero nakakainis yung mga titig ng manyak dito, parang gusto na nilang hubaran si Nicole sa pamamagitan ng mga titig nila. Tss.

"Wow! May mga magagandang guests tayo ngayon! Magpalakpakan naman kayo dyan!" sigaw ng bakla na host. "What's your name binibini?" tanong niya kay Nicole sabay abot ng microphone.

"Hi everyone--" hindi pa siya nakapagtapos na magsalita ng biglang naghiyawan ang mga lalaki, tss mga manyak talaga. Ang sarap sapakin at  suntukin sa mukha ng pa ulit-ulit.

"uhh--I'm Nicole Marie Lee. Ninang ko po yung nakatira dun." sabay turo niya sa bahay ni Tita Rhea. Kumaway naman silang lahat na nasa terrace ng bahay.

Ipinasa ni Nicole sa akin yung mic, magsasalita na sana ako pero biglang naghiyawan yung mga babae.

"WAAAAAAAH! Si Khym! Yung nagmodel sa corporation nila!" sigaw ng isang babae sa gilid. Wow, kilalang-kilala nila ako ah? Hahaha

"Yung girl crush koooooooooooooo!" babae 2.

"Si Khym Gomez ba yan?! Ang ganda na niya!" babae 3.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako kilala ng mga tao,  eh dahil yun sa commercial ng corporation namin. Zargon Corporation is a fashion industry kung saan nagdedesign kami ng mga clothes, accessories, shoes, pants.. basta anything that goes with fashion. Ako kasi ang nagmodel para sa corporation namin a few months ago, tapos naging top hit rin naman ang Zargon after the commercial. Panalong-panalo kasi 'tong beauty ko eh HAHAHAHAHA!

(Gawa-gawa lang po ni author ang pangalan ng company.)

"Umm good evening everyone. I'm Khym Lea Gomez, president of Zargon Corp. I'm with my gir-- I mean best friend, Nicole here." Shi*! Muntik ko ng nasabi sa kanila na girlfriend ko si Nicole! >.<

Naghiyawan pa rin ang mga babae, ngumiti ako sa kanila at nag wave. Mas tumindi yung mga sigaw at hiyaw ng babae, OH CGE AKO NA! Hahahaha! :D

"May pa kaway-kaway ka pang nalalaman." inis na bulong ni Nicole.

"Eh ikaw lang naman chix ko eh." bulong ko sabay pakita ng dimple ko, namula naman siya.

"Wow! Ang daming fans ni Khym oh?" sabi ng host. "Tahan na mga girls, may oras naman kayo mamaya kay Miss Khym. So handa na ba kayo sa contest?" dagdag nito.

"Anong contest to?" tanong ni Nicole.

"Apple Eating contest!" sigaw ng host at naghiyawan naman ang mga tao.

"By partner ito, kailangan maubos nila ang apple. Bawal ang kamay, bibig lamang ang pwedeng gamitin sa contest na ito. Ang unang makaubos ng mansanas ay ang magwawagi ng electric fan at oven toaster!" pag e-explain ng host.

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon