CHAPTER 16 - By Your Side

8.5K 189 9
                                    

Khym’s POV

Kasama ko si Jane na nagluluto ng lunch habang nasa entertainment room naman ang magbestfriends, naglalaro ng xbox.

“Ilang months na pala kayo ni Angela?” tanong ko para di naman awkward. Ang tahimik kasi ni Jane eh plus maamo pa ang mukha nito.

“Malapit na kaming mag 3 years.” Sagot niya.

“Woah? Grabe ang tagal niyo na ah?” gulat na sabi ko.

“Oo nga eh, minsan nag bre-break up kami pero nagkabalikan pa rin kami.”

“Ba’t naman kayo naghihiwalay?” tanong ko ulit.

“Kasi nung una pinaghiwalay kami ng parents ko, tutol kasi ang mga magulang ko. Yung pangalawa naman, nahuli ko si Angela na may kasamang ibang babae, akala ko nambabae, eh pinsan lang niya pala yun. Ang pangatlo naman ay yung pagiging LDR namin sa isa’t isa, malabo yung relasyon namin pero naging okay naman kami nung bumalik ulit sha.” Kwento ni Jane.

“Ahh, kaya pala. Mahirap ba talaga nung pinakilala mo si Angela sa mga magulang mo?” tanong ko.

“Oo, akala ko nga katapusan na yun namin ni Angela dahil ayaw talaga ng magulang ko sa relasyon namin. Naputol yung communication, wala akong balita sa kanya nun. Umiiyak ako dahil namimiss ko sya, wala rin nga akong ganang kumain nun eh, gusto ko ng mamatay nun dahil nawala si Angela sa buhay ko, pero ilang buwan ang nakalipas, bumalik si Angela para humingi ulit ng tiwala sa mg magulang ko, nagmaka-awa siya na maging girlfriend niya ako. Nagalit ulit sila mama at papa, inexplain lahat ni Angela ang damdamin niya para saken. Hindi siya sumuko para ipaglaban ako sa mga magulang ko, hanggang sa natanggap kami.” Pagkukwento niya.

Ang tapang naman ni Angela, kaya pala sinabihan ako na unahin ko muna yung mga magulang ni Nicole. Bilib ako kay Angela dahil hindi siya nag give up para sa pagmamahalan nila ni Jane.

“Ang swerte mo naman Jane.” Sabi ko.

“Oo nga eh. Ang sarap sa pakiramdam. At ikaw rin, kahit hindi pa naging kayo, maswerte ka na. Haha.” Sabi niya.

“Ha? Bakit naman?” pagtataka ko.

“Kahit iniiwasan mo siya, minamahal ka pa rin niya. Kinuwento nga sakin ni Angela minsan yung pinagdadaanan ni Nicole, sinasabihan niya si Nicole na bitawan ka, pero ang lagi nyang sinasabi ay, ‘Mahal ko siya Angela, walang pagmamahal kung basta-basta ko nlng syang iwan.’”

Nung narinig ko ‘to, biglang bumalik sa akin ang nakaraan. Yung mga oras na andun si Nicole sa tabi ko.

“Umm.. Jane?” tawag ko.

“Hmm?”

“Ano ba ang gagawin mo para bumawi sa taong mahal mo?”

Nicole’s POV

Nakaka-enjoy pala ang maglaro ng Xbox noh? Ngayon pa ako nakapaglaro ng ganito. Grabe ang technology talaga ngayun, nadedetect na ang mga kilos mo at pinapakita on screen. Mapa sports, race, dance at marami pang iba. Kaso ang mahal naman nito, nag selfie nlng ako sa xbox para may remembrance naman.

“Haaaah, staph na bes, pagod na ako.” Si Angela

“Laro pa tayo best, nag eenjoy na ako oh! Beat ko na yung score mo!” Pagyayabang ko habang ginagaya ang kilos na nasa screen.

“Punta na tayo kina Jane, nagugutom na ako eh. Kanina pa tayo naglalaro, nawalan na ako ng energy.” Sabi niya.

“Hayy cge na nga.”

Pinatay ko na yung xbox at sumabay kay Angela.

Nung nakita ko sila Jane at Khym, may pinag-uusapan sila. Mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila dahil seryosong nakikinig si Khym sa mga pinagsasabi ni Jane. Ano kaya pinag-uusapan nila?

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon