Dear Sir,
Akala ko hindi ka na dadating. Okay lang kahit hindi mo ako napanood. Ang mahalaga nakita mo ako na naka-uniform ng banda. Na-late na kasi kayo ng dating ayon kay Sir Harold, di niyo tuloy naabutan na tumugtog kami ng Lupang Hinirang. Pero okay lang.
Sir, ang landi ko lang hahahaha pasimple akong tumatabi sayo nung nagpeperform na ang mga streetdancers ng school para sa streetdance competition.
Nang biglang may lumapit na bata sa akin at hinihingi yung burger ko kaso dahil tanga ako, tinitigan ko lang yung bata. Ibibigay ko rin naman eh kaya lang naunahan mo na ako. Inabot mo na yung burger mo na wala pang kagat dun sa bata. Lahat kasi tayong mga part sa school may libreng burger. Pero yung sayo imbes na kainin mo, binigay mo sa bata na hinihingi naman yung burger ko. Nakakaturn-on kasi ang bait mo pala.
Kinilig naman ako. Hindi ko rin alam.
Sir binigyan mo ba yung bata dahil naaawa ka lang o ayaw mo lang magutom ako?
BINABASA MO ANG
Dear Sir
Teen FictionDear Sir, some things are better left unsaid. Ganun pa rin naman kasi yun eh, wala namang magbabago. Teacher ka at estudyante lang ako. Kailangan kong tanggapin yun. ©mrslamperouge Started: January 23, 2016 Finished: May 22, 2016