DS74

1K 30 1
                                    

March 29, 2016

Dear Sir,

Bukas na ang Moving Up Ceremony namin kaya puspusan na ang pagpapractice. Pansin ko sa'yo puro ka gala sa third floor. Nasa corridor ka lang tapos manonood sa nga nagpapapractice na Grade 6 sa ground floor. Kami naman nasa room sa may gilid mo nagpapractice ng batch song namin. Minsan pag lilingon ako sa'yo nanonood ka sa amin. Dumadaan daan pa nga ako para magpapansin para kunyari okay lang- na okay lang ang lahat kahit na binlock mo ako.

Naiinis pa rin ako sa'yo. Sabi ko nga kay Ms. Liza suntukin ka nya for me eh. Pero tinawanan niya lang ako sa inaakto ko ang cute ko daw kasi. Cute naman talaga ako pero bakit di mo yun makita? haha. Nalaman ko rin kay Ms. Liza na mageextend ka pa sa school meaning next school year ay teacher ka pa din. Napa-isip tuloy ako kung lilipat pa ako nang school pero naisip ko di pa rin naman kita magiging teacher sa Math kasi senior highschool na ako.

Nalaman ko rin pala na wala ka pa pala talagang girlfriend at puro mga ka-fling fling lang at wow ah 3 pa. Sabi rin ni Ms. Liza sa akin na may inaasar daw siya sa'yo at yun ay si Ms. Cess kaya parang nagiging apat na. Sabi ko naman kay Ms. Liza handa ako maging panglima sa mga flings mo hahahahahahaha. Tawa ng tawa sa akin si Ms. Liza n'on eh.

Totoo naman e.

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon