DS67

1K 30 0
                                    

 Dear Sir, 

 Nagdefense na ako kanina. Ang saya saya kasi tapos na ako tapos nakita mo pa ako. Pinuri pa nga ako nina Ms. Cess at Sir John kasi ang sexy ko daw eh naka high-waisted pants at long sleeves blouse lang naman suot ko. 

 Pagdating ko kanina sa school sa kabilang hagdan talaga ako dumaan para pag-akyat ko nang third floor ay e-lib na agad tsaka para makita ko na rin sa faculty kung nandoon ka. At tama nga ako, paglingon ko sa faculty lumingon ka rin. Ikaw lang mag-isa dun habang nagchecheck siguro ng mga test papers. Nang nagdedefense na ako nakita ko dumaan ka. Glass window kasi yung sa e-lib kaya nakita ko tapos nakita ko rin na tinignan mo ako. Kinilig na naman ako. Nauutal utal pa naman ako pero nung dumaan ka naging okay na. HAHAHAHAHAHAHA landers. Ayun okay naman, masaya na ako dahil tapos na ako sa defense. 

 Pero mas masaya kung ginoodluck mo ako.  

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon