DS31

1.5K 48 2
                                    

Dear Sir,

HR na n'on eh nang makita ko sa faculty na nandoon ang dalawa kong kaibigan sina Gwen at Nana kausap si Ms. Ally kaya pumunta ako. Pero wala ka dun. Kinausap rin ako ni Ms. Ally about sa eyeglasses ko ang ganda raw kasi at saan ko raw nabili. Ayun, chika chika kami habang ako nakapaymewang nang biglang may bumangga sa akin ng matindi at natanggal ang pagkakapaymewang ko kasi dumulas talaga ang kamay ko sa bewang ko. Beastmode na sana ako at sasabihin ng 'ayos ah' ang sinong bumangga at akala ko rin si Sir John kaya lang paglingon ko ikaw pala ang nakabangga sa akin nang dumaan ka.

Ay Sir, okay lang pala hehe. Okay lang talaga. Di masakit hihi

Di tuloy ako nakafocus sa sinasabi ni Ms. Ally kasi naman ikaw pala yun. Tumingin na ako kay Nana n'on kasi naman kinikilig na talaga ako at ngumingiti ngiti na sa kanya kaya lang ang loka parang di nagets. Tapos sabi ko kay Ms. Ally  wait lang babalik ako. Tapos bumalik ako sa room at nagsisisigaw kay Yel, kilig much. Tapos ayun bumalik na ako ulit ako sa faculty, wala na ka ulit.

Kaya umalis na lang ako kasi kailangan ko pa magpasurvey sa iba't ibang room.

Nang pagkabalik ko na sa faculty kasi may itatanong ako tungkol sa chapter one ng thesis kay Ms. Cathy kaso may mga kausap pa siya so kay Sir John na lang ako nakipagchikahan tapos nandun ka sa sulok parang inaantok pero alam kong nakatingin ka. Sabi ko kay Sir John na excited na ako magpasurvey sa section ng dating crush ko which is hindi naman talaga. Sadyang pinaparinig ko na si Mart crush ko kasi student mo yun. And alam din kasi ng mga teachers na crush ko yun kaya lang dati pa nung hindi pa ikaw ang crush ko. Alam kong nakikinig ka kasi maingay ako at maingay rin si Sir John.

Di naman talaga siya ang crush ko eh, kinukuha ko lang atensyon mo. Nakita naman kita sa peripheral vision ko na nakatingin.

Alam ko sa sarili ko na never akong tinraydor ng peripheral vision ko

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon