DS69

1K 26 3
                                    

Dear Sir,

Farewell Party na bukas. Ang bilis ng mga pangyayari. Parang dati lang, december pa lang nang una kitang maging crush. Di ko inexpect na magkakagusto ako sa teacher hanggang sa pasimple akong nagpapansin araw-araw sa faculty tapos nagpapicture ako sayo tapos lalo mong nahalata nung inaasar ako sa room dahil ikaw ang nagbantay sa'min nung exam tapos bukas last na.

Last na na makikita kita. Hindi ko sure kung last na talaga bukas. Kasi may practice pa kami para sa graduation after holy week pero bukas na kasi yung talagang farewell. Nakakalungkot. Pero ganun talaga eh.

Balak ko sana magpapicture sa'yo bukas pero sana sir yung nakangiti ka na. Please oh, aalis na nga ako sa school. Pagbigyan mo na sana ako bukas. Sana ngumiti ka na tulad nung ngiti mo kapag may nagpapapicture sa'yong mga grade 7, nakikita ko kasi sa pictures na inuupload nila iba ngiti mo. Sabagay, mga estudyante mo kasi sila eh. Eh ako? Sino ba ako para magpapicture? Dakilang tagahanga mo lang naman ako.

Pansin ko pala nasa e-lib ka na palagi, nagcocompute ka siguro ng grades. Di na kasi kita matitigan ng matagal o mapagmasdan man lang kasi iba na ngayon kesa dati eh.

Dati wala ka pang alam kaya okay lang pero ngayon may alam ka na.

Pero sana talaga bukas maayos na picture na, sir.

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon