DS53

1.1K 25 0
                                    

Dear Sir,

Kinabahan ako kanina nung pumasok ako sa school. Makikita na kasi kita. Nung time na ni Ms. Cathy sa room namin may exam kami pero excuse kaming banda dahil di nakapagreview dahil naging busy sa tugtog kaya kinailangan namin pumunta ni Ian sa faculty para dun muna mag-stay, sarado kasi ang e-lib eh. Buti na lang wala ka d'on nagka-klase ka yata mabuti naman para hindi mo ako maabutan.

Kaya lang maya-maya dumating ka rin. Kinagat ko pamaypay ko kasi yung ngiti ko abot tenga eh. Nakita nga rin ako ni Ms. Liza na gan'on, tinawanan na lang niya ako.

Inaya mo ang ibang teacher na bumaba para kuhanin ang pagkain niyo na chowking galing sa principal kasi birthday niya. Tapos ayun bumalik na ulit kayong faculty na may dalang chowking na pagkain. Pinapaalis pa nga kami eh kaya lang matibay kami ni Ian kaya hindi kami umalis hahahahaha. Tapos katabi kita nang upuan sa table hahahahaha. Mukha ngang may alam ka na eh.

Pero hindi ako nagpapahalata. Hanggang sa naglunch na at nasa room na ulit ako.

Nakikipagkwentuhan ako sa mga bruha nang bigla kang dumaan tapos lumingon ako sa'yo tapos umarte yung boses ko na parang pabebe habang nilalagay yung strands ng buhok ko sa tenga. Sa kabilang side ka kasi nakatingin pero nagulat na lang ako ng humarap ka. Tumawa mga bruha nun eh. Ako naman gulat na gulat. Ang tagal mo akong tinitigan.

May alam ka na yata.

Alam mo ba, sir, chinat ako nung gwapong peymus na nagpapicture sa akin kahapon na nag-aaral sa branch ng school namin. Sabi ng mga bruha baka raw may gusto na sa akin. Kaso mas matanda ako dun. Ano ba yan palagi na lang may age gap.

Sabi rin sa akin ng bestfriend kong si Joy kung sino ang pipiliin ko? "Sa estudyanteng una kang inaapproach na nagpapic sayo mga dalawang beses na peymus at maraming fans na may gusto sa kanya at gwapo na nakavideocall mo o sa teacher na 7 years ang gap niyo na hindi mo pa nakakausap personal na nag-assume ka lang na gusto ka niya at wala pa kayong pic ni isa"

Napa-isip rin ako dyan pero sinagot ko na lang na ikaw pa rin kasi ayoko sa mas bata. Pero pareho kayo gwapo. Hirap mamili pero bakit naman ako mamimili? Hindi niyo naman ako parehas na gusto. Magassume lang ako.

Sawa na ako mag-assume. Nakakapagod din pala

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon