Dear Sir,
Nasa school service kaming mga tumugtog at sumayaw kanina sa municipal meet, ihahatid na kasi kami pauwi. Kayo? Di ko na alam kung nasaan na rin kayo. Siguro manonood pa kayo ng basketball dahil first game agad ang team ng school.
Habang nakatingin lang ako sa labas, bigla kitang naisip. Sobrang hangin kasi dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan kaya nasa momentum talaga ako. Hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko. Nahuhulog na ba ako? Nagkakagusto na ba ako sayo, Sir? Pero bakit? Teacher ka, student lang naman ako. Napaisip rin ako na dapat alamin ko ito mismo sa sarili ko kung totoo na ba ito at walang makakaalam kasi mali at bawal. Nag-assume kasi ako sa mga tingin at galaw mo. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang mga iyon. Pero parang ang daya naman ako agad ang nauna tapos ako wala pang kasiguraduhan kung totoo ba yung mga iniisip ko kung may gusto ka ba talaga sa akin.
Pero ang alam ko lang nahuhulog na talaga ako. Eh ikaw ba sir?
BINABASA MO ANG
Dear Sir
Teen FictionDear Sir, some things are better left unsaid. Ganun pa rin naman kasi yun eh, wala namang magbabago. Teacher ka at estudyante lang ako. Kailangan kong tanggapin yun. ©mrslamperouge Started: January 23, 2016 Finished: May 22, 2016