DS63

1K 26 0
                                    

Dear Sir,

Exam na. Ang galing mo sir, ano? Nakikipag-usap ka pa sa mga teachers na nagbabantay sa amin. Sina Sir Theo at Sir Glen. Tapos padaan daan ka pa.

Ako naman puro iwas. Iniiwasan ko talaga na pumuntang faculty. Kahit na may itatanong ako sa mga teachers na nasa faculty, hindi ko na lang itatanong o kaya iuutos ko na lang kay Thea basta hindi mo makita. Mahirap din pala yung hindi lumabas ng room tulad na lang ng kinagawian ko.

Pero kilig na kilig pa rin ako sa tuwing dadaan ka. Kumbaga ikaw ulit ang inspirasyon ko. Sabi ng bestfriend kong si Joy na nafafall na raw ako kay Christian at nakakalimutan na kita. Hindi totoo yun.

Ngayon pa ba ako aatras? Kung kailan bilang na lang ang araw na makikita kita. March 4 pa naman ngayon so siguro mga less than 15 days na lang ang nalalabi. Ayoko munang isipin..

Malapit na kasi kitang mamiss.

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon