Dear Sir,
Ikaw ulit nagbantay sa amin nung nageexam kami kanina pero isang subject ka lang nag-stay. Syempre hindi nawala ang pang-aasar ulit ng mga kaklase ko. Inis na inis ako sa kanila. Mas kinikilig pa kesa sa akin!
Nageexam kami kanina di'ba nang tanungin ka ni Sof kung sasama ka raw sa fieldtrip bukas. Alam kong sinadya niyang tanungin iyon para marinig ko. Napa 'uhhhhh' ang lahat n'on. Ako kasi nakatingin lang sa papel ko kunyare walang naririnig at pakielam sa paligid. Siguro ay umiling ka. Sabi pa nang iba "ayy di ka sasama sir?" sabi pa nang iba "ay sayang naman sir" "gel di raw sasama oh".
Di ako nalingon basta nasa papel lang ako nakatutok. Pero nalungkot ako kung di nga talaga kasama sa fieldtrip. Pero sabi sa akin ni Thea nung uwian na na ngumi-ngiti ngiti ka n'on kaya baka nagbibiro ka lang. Tsaka sabi ni Matty na dating may crush sayo ay lahat naman ng teachers kasama sabi ng Principal. Nagtanong naman ako kay Sir John ng mga teachers na kasama at hindi ka kasama sa mga binanggit kaya di ko tuloy alam sino papaniwalaan ko.
Ay Sir, awkward pala nung nagpasa ako ng test paper ko sayo. Shems pero kinilig ako hahahahaha.
Di ko alam kung see you tomorrow ba or hindi.
Pero basta sana nandun ka
BINABASA MO ANG
Dear Sir
Teen FictionDear Sir, some things are better left unsaid. Ganun pa rin naman kasi yun eh, wala namang magbabago. Teacher ka at estudyante lang ako. Kailangan kong tanggapin yun. ©mrslamperouge Started: January 23, 2016 Finished: May 22, 2016