Dear Sir,
Di ako pumasok ngayon, gusto ko muna kalimutan ang tungkol sa school. Sobrang depressed na ako. Hindi kasi ako naging masaya sa nakuha kong grade sa defense. Alam kong di ko ginawa ang pinaka best ko kaya nagsisisi din ako. At masakit doon ay mas mataas pa ang mga tinulungan ko sa thesis. At ang mas pinakamasakit pa ay nagulat rin ang ibang tao dahil sa nakuha ko, alam kasi nilang sobra akong nagpudpod utak sa thesis at ako pa ang unang natapos kaya nagulat daw sila gan'on ang nakuha ko.
Ewan ko ba ang hirap talaga pantayan ng expectations ng mga tao. Dalawa talaga problema ko eh basta about school & grades.
Umiiyak nga ako eh nakita mo ako n'on nasa may hagdan kaming squad nakatambay. Wala na rin naman kasing ginagawa sa school. Nakasandal lang ako sa pader habang umiiyak nang biglang umaakyat ka sa hagdan papunta kang CR, tinitignan ng mga kaibigan ko kung magbabago ba ang mukha ko. Ako naman pinipigilan lang din ngumiti at kinakagat ko na lang yung likod ng pisngi ko. Pumasok ka nang CR pero agad ka ring lumabas siguro walang tubig kaya bumaba ka na lang ulit para sa CR ng ground floor ka na lang magCR. Nadaanan mo na ulit kami tapos ako naman ngumiti na.
"Hala pabebe" sabi ng mga kaibigan ko.
Bumaba na ako para bumalik ulit sa classroom para tignan ang cellphone ko sa bag. Nang biglang napatingin ka sa akin kasi nga pababa ka sa hagdan. Pinigilan ko ulit ngumiti at deadma na pumasok sa room. Pero kinikilig talaga ako.
Saglit kong nakalimutan ang problema ko.
BINABASA MO ANG
Dear Sir
Teen FictionDear Sir, some things are better left unsaid. Ganun pa rin naman kasi yun eh, wala namang magbabago. Teacher ka at estudyante lang ako. Kailangan kong tanggapin yun. ©mrslamperouge Started: January 23, 2016 Finished: May 22, 2016