DS43

1.3K 27 0
                                    

Dear Sir,

Kumusta ka naman? Siguro ay okay ka lang, sir. Kung ako naman ang tatanungin ng ganyang klaseng tanong ay 'hindi' ang sagot ko. Syempre, sinong bang magiging okay kung ang sikreto mo unti-unti nang nalalaman ng iba.

Kanina muntik nang malaman ni Ms. Jonna. Hindi ko nga alam kung tama bang gamitin ang word na 'muntik' kasi feeling ko alam na niya eh. Kanina kasi nasa labas kami ulit tinuloy kasi ang recitation na hindi natapos kahapon pero tapos na ang recitation nun nang nasa labas kami ng room nagkukuwentuhan na lang kami. Maya-maya sabi ni Ms. Jonna na ayaw na niya raw magturo sa amin pero syempre pabiro. Sabi ko naman okay lang hindi naman namin siya love. Sabi naman niya alam naman niya raw. Sabi ko talaga naman dahil may ibang teacher na sa puso ko. Yung pagkakasabi ko ay parang nangiinggit lang kay Ms. Jonna at lahat favorite kong teacher except sa kanya. Sumingit naman si Thea bigla sabi "oo nga tulad ni Sir.." Naiinis na ako sa loob-loob ko at nagrereact ko na parang wala lang kasi once na magreact talaga ako mapapatunayan yun ni Ms. Jonna. Tapos nung nagbell na sabi ko hahatid ko na si Ms. Jonna pabalik sa faculty at sumingit na naman si Thea na may gusto raw akong makita doon. Bumubulong na ako ng mura sa bibig ko habang nakatingin ako sa kanila pero hindi naman yun nakita ni Ms. Jonna.

Naiinis talaga ako. Kung pwede lang maibalik yung dati na ako lang ang nakakaalam. Yung walang nagbabantay ng mga galaw ko. Pero wala eh, kasalanan ko rin naman kasi maingay ako. Lahat talaga pagsisisihan mo pag huli na. Malalaman mo na lang na nagkamali ka kapag huli na at hihilingin mo na lang na mabalik mo yung panahon at itama yun. Pero hindi eh nasa realidad tayo.

Hindi pwede iyon.

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon