Dear Sir,
Alam mo ba inamin ko na sa isa kong kaibigan yung tungkol sa weird kong nararamdaman. Di ko na kasi kayang itago parang gusto ko nang ilabas para bang nakakamatay kung itatago ko lang. Sinubukan ko lang naman kung may makakaintindi sa akin.
Sabi ko pa kay Annabelle..
"bhe nakakainis di ko maintindihan 'tong nararamdaman ko, mali kasi at bawal"
Hanggang sa nanghula siya ng mga tao pero wala sa mga binanggit niya ang pangalan mo. Sino ba kasing mag-aakala na magkakagusto ako sa teacher?
Simula nun si Annabelle na ang nasasabihan ko nang lahat-lahat ng tungkol sayo. May nakakaintindi pa rin pala sa akin hahahahaha mabuti naman kasi kung hindi siguro hirap na hirap ako kasi wala akong mapagsabihan.
Ang hirap mo kasing magustuhan, sir. Di lang naman 'to basta-basta eh kasi mali at bawal.
BINABASA MO ANG
Dear Sir
Teen FictionDear Sir, some things are better left unsaid. Ganun pa rin naman kasi yun eh, wala namang magbabago. Teacher ka at estudyante lang ako. Kailangan kong tanggapin yun. ©mrslamperouge Started: January 23, 2016 Finished: May 22, 2016