Dear Sir,
Matagal tagal na rin na hindi ako nakakapagsulat dito. Lagi kasing pagod sa mga practice. Simula nung durian moment natin, mga dalawang araw na hindi kita nakita. Di ka na sumasama pumuntang plaza para magbantay sa mg estudyante. Siguro naboboringan ka na kasi wala naman kayong ginagawang mga teacher dun kundi manood, umupo at magbantay ng mga bag naming estudyante.
Wednesday ata n'on, wala ka sa court na pinagpaparactice-an namin. Narinig daw ni Gwen sa mga teachers na pinaguusapan ka na hindi ka pupunta dahil bad mood ka raw. Bakit ka kaya bad mood n'on?
Ayy oo nga pala, di pa rin ako nakakapagthank you sa'yo sa durian candy kasi naman sa tuwing malapit ka na hindi ko pala kaya. Dami nang pwedeng pagkakataon sa araw na yun kaso umuurong ang mga dila ko. Keshe nemen gwepe me sher hihi. Pero seryoso, sayang talaga.
Friday naman parang general practice na siya tapos nasa may bleachers ulit kayong mga teachers tapos nakatingin ka na naman sa akin. Hindi ako nagaassume! Nakatingin ka talaga. Malabo lang mata ko pero hindi ako bulag. Kaya ayun ginagalingan ko na lang. Nung malapit na maguwian pero nagpapapractice pa rin kami nakita ko kayo ni Ms. Liza ang sweet niyo busyng busy kayo sa cellphone.
Nung tapos na kami magpractice pumunta ako kay Ms. Liza kasi may itatanong ako tapos naglalaro pala kayo chain reaction. Kainis.
Tapos kanina general practice na talaga pagdating ko hinanap kaagad ng mata ko kaso wala ka. Sayang hindi ka makikita ni Maimai. Di mo rin ako makikitang tumugtog. May practice din kasi ang banda para sa formation na mangyayari. Tinanong ko nga si Ms. Liza kung wala ka talaga sabi niya pupunta ka raw maya maya pa. Saya saya ko n'on eh. Maya-maya sabi ni Shanaia na kabanda ko "andyan na si sir!" Ang lakas ng pagkakasabi. Nabadtrip ako. Pero ang saya ko pa din. Hinanap kita kung saang bleachers ka nakaupo, naka-red ka pala kaya tinuro kita kay Maimai. Nagwapuhan din sayo si Maimai. Sabi niya mukhang di ka raw friendly hahahahha yes aura mo palang eh mysterious at serious type na. Nung kami na ang tumutugtog sa stage lumingon ako sa lugar niyo, nakatingin ka sa akin! Alam ko yun. Sinabi rin sa akin ni Maimai eh. May isa na naman akong witness.
Pagkauwi ko, tinignan ko likes nung shinare kong picture na sabi dun ay kapag naka 10 likes daw ay magpapapicture kay crush. Eh yung akin nag40 na so magpapapicture ako sa'yo bukas. Foundation day na kasi bukas. Nakaisip na rin ako nang paraan para di mo mahalata. Sana lang maging success. Dami nga rin nagcomment dun sa shinare ko dami nag-aabang. Kaya dapat hindi ako magpapahalata kasi panigurado daming magbabantay sa akin at aalamin kung sino ba yung crush na yun. See you bukas, sir!
Makicooperate ka sa dare na 'to please.Goodluck sa akin bukas, bahala na. Sana mapanood mo rin ako bukas na tumugtog at sumayaw!
BINABASA MO ANG
Dear Sir
Teen FictionDear Sir, some things are better left unsaid. Ganun pa rin naman kasi yun eh, wala namang magbabago. Teacher ka at estudyante lang ako. Kailangan kong tanggapin yun. ©mrslamperouge Started: January 23, 2016 Finished: May 22, 2016