Dear Sir,
Kwento ko muna nangyari buong araw.
Math time n'on at nagdidiscuss si Ms. Ally about union of events mga ganon. Example niya ay mga math teachers sa grade school and high school. Magbanggit raw ng pangalan ng mga Math teachers. Edi syempre kasama ka sa mga binanggit. Nilingon ko mga bruha kong kaibigan kasi kinikilig kilig ako eh.
Science time naman n'on nang biglang dumating si Sir Nathan kasi kakausapin niya si Ms. Jonna kasi daw ipapasok raw si Ms. Jonna bilang volleyball player. Nagtaka naman kaming lahat ayun pala teachers and iba pang part ng school like guards, janitor, drivers ang lalaban naman. Tapos na kasi labanan ng iba't ibang schools para sa estudyante kaya faculty members naman. Binanggit din ni Sir Nathan kay Ms. Jonna ang mga maglalaro sa basketball habang kaming mga magkakaklase ay nakikinig lang. Binanggit niya sina Sir Harold, Sir Glen etc. at kasama ka sa binanggit kaya napatingin agad ako sa mga bruha. Shet kilig talaga ako at higit sa lahat excited na excited na ako mapanood ka o kaya naman ay icheer.
5:30 pa lang nasa court na kami kung saan magaganap ang game pero hindi pa nagsisimula. Nang nag6pm tsaka naman kayo nagsidatingan.
Shet gwapo mo sa jersey mo, sir! Tapos ganda pa nang sapatos mo na pang basketball talaga at color yellow pa huh, favorite color ko. Hindi pa nagsisimula pero kilig na kilig na ako. Text ako ng text ng feels ko sa mga kaibigan ko. At katabi ko si Ms. Liza nagchichikahan kami tungkol sayo. Sabi niya di ka raw masyadong magaling dyan kasi raw pang third mo lang yan sa sports mo. Sabi ni Ms. Liza "alam mo kung anong pang-una?" sabi ko naman "sepak". Nagulat at natawa pa si Ms. Liza kasi alam ko at pa'no ko raw nalaman. Syempre, lagi kitang nakikita sa faculty na naglalaro n'on. Pang second mo naman raw ay table tennis.
So ayun nga nagsimula na laban pero hindi ka kasama sa first 5. Pero hinintay kita hanggang sa pumasok ka. 2nd quarter n'on pumasok ka, kuha ako ng kuha ng stolen shots mo habang nagdidribble o kaya tumatakbo. Kaka stolen shot ko sayo ay saka ko lamang nakita ang jersey number mo, #30! Kinilig ako.
Sir, bakit naman kasi #30 yan? Eh birthday ko yan. Kilig kilig talaga ako tinutulak tulak ko si Ms. Liza n'on tapos nagchat rin ako sa groupchat nang mga kabanda ko. Sabi naman ni Maimai na assuming lang raw ako baka lang fan raw siya ni Jose Rizal kaya #30 hahaha. Paanong hindi ako magtataka kasi naman 22 birthday mo. Bakit hindi iyon ang nasa jersey mo?
Sabi ng kabilang isip ko na dahil birthday ko yun pero sabi naman ng kabilang isip ko na baka raw birthday ng ka MU mo o kaya birthday niya o pwede ring monthsary niyo. Hayyy. Eh basta birthday ko yun!
Hanggang sa umupo ka na lang ulit at nagpa sub ka. 3rd quarter n'on nang pumasok ka na ulit. Sabi ko kay Ms. Liza na siya na lang magpicture. Tawa pa kami ng tawa n'on kasi ang bagal niya magpicture hindi niya nakuhanan yung time na hawak mo na ang bola. Mukha ngang tama si Ms. Liza na hindi mo gaanong forte ang basketball kasi puro ka pasa hindi ka nagshoshoot. May time pa na nakipag-agawan ka ng bola.
Kasalanan ba kung hilingin kong sana ako na lang yung bola?
Sabi bigla ni Ms. Liza na magingat na kami kasi mukhang nahahalata mo na raw. Kilala ka raw kasi n'on na mabilis ka raw makahalata. Kaya ang ginawa namin kahit umupo ka na ulit, nagpipicture picture pa rin kami sa mga players at kunyare ay inaasar-asar namin si Ms. Liza sa kunyare crush niya rin na player ng ibang school. Tumingin ka na raw sa amin ulit kaya mukhang naniwala ka naman sa ginagawa naming acting.
Inaasar asar rin kasi namin kunyari si Ms. Liza dun sa isang player habang siya sumisigaw ng 'go baby'. Mukha namang kumbinsido ka na sa nakita mo. Mabuti naman kung gan'on. Sabi pa ni Ms. Liza kung nakakahalata ka na raw ay magtatanong ka naman sa kanya kaya bukas ko pa malalaman kung nakalahata ka nga kahit konti. Huwag naman sana. May balak pa akong pag-amin sayo sa grad day.
Hanggang sa nag4th quarter na at hindi ka na pumasok. Siguro nga nabadtrip ka kakapicture namin sayo kung nahalata mo man.
Natalo ang team niyo. Okay lang yan, Panalo ka naman sa puso haha char. Hanggang sa umuwi na kami. Ang dami kong stolen shots mo. HAHAHAHAHA.
Ito na yata ang pinaka hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko.
Goodnight Sir.
BINABASA MO ANG
Dear Sir
Teen FictionDear Sir, some things are better left unsaid. Ganun pa rin naman kasi yun eh, wala namang magbabago. Teacher ka at estudyante lang ako. Kailangan kong tanggapin yun. ©mrslamperouge Started: January 23, 2016 Finished: May 22, 2016