March 28, 2016
Dear Sir,
Ayun, lumipas na nga ang holy week at may pasok na ulit para sa practice namin sa Moving Up namin. Late na nga ako pumasok sa school pero wala pa rin ginagawa kaya tumambay na lang kami nina Nana, Yel at Faye sa stage na nakahanda sa ground floor para sa mga magpapractice na gagraduate at since wala pa namang nagpapractice kaya nakaupo kami sa stage, nagkwentu-kwentuhan.
Alam kong wala ka pa n'on sa school kasi nang dumating ako sa room sumilip agad ako sa faculty. Nagtip toe pa ako mula sa room para makita kung nand'on ka pero wala naman.
Wala siya. Yes! Sigaw ko sa utak ko.
Nang nasa stage kami nakatambay, isa-isa nang pumapasok ang teacher mula sa Gate 1 kaya tingin ko sunod ka na rin sa mga papasok. Kinakabahan na ako pero kailangan mag-ala-"hi ako nga pala yung binlock mo pero still fab". Sabi naman nila kung sakaling dumaan nga 'wag daw pahalata. At ayun nga dumaan ka na, biglang tumigil ang usapan namin. Halata tuloy hahahaha kasi tumahimik eh. Pero deadma lang ulit.
Tapos nung hapon na kailangan ko magpasign ng clearance sa Guidance. Nand'on ka sa may office may mga ginugupit kayong mga papel papel eh. Nadaanan kita pero go lang kunyare wala akong nakikitang tulad mo..
Tulad mo na may pusong bato.
BINABASA MO ANG
Dear Sir
Teen FictionDear Sir, some things are better left unsaid. Ganun pa rin naman kasi yun eh, wala namang magbabago. Teacher ka at estudyante lang ako. Kailangan kong tanggapin yun. ©mrslamperouge Started: January 23, 2016 Finished: May 22, 2016