DS75

1.1K 25 0
                                    

March 30, 2016

Dear Sir,

Moving Up na namin. Pagkarating namin sa venue ikaw agad nakita ko. Kinilig naman ako agad. Nand'on kayo sa may entrance ng hall eh. Nagpicture picture pa kami ng pamilya ko sa labas bago pumasok sa hall.

Nang matapos na kami sa pagpicture picture papasok na kami sa hall at kayo namang mga teacher pupunta sa likod para ata sa kabila dadaan or pipila ata kayo kaya nakasalubong kita. Nakipagpatintero ka pa nga sa akin eh. Nakayuko lang kasi ako nung madadaanan kita at ganun ka rin kaya ang kinalabasan ay nagpatintero tayo. Natapos ang patintero natin nang ang kapatid ko ay hinawakan ako sa magkabilang balikat ko at inilagay ako sa tamang direksyon. Ako sa kaliwa at ikaw sa kanan.

Nang nakapila naman kami para sa pagmamarcha at yung iba ay natawag na pangalan. Nahuli kaming iilang babae kasi malayo pa ang letra ng apelyido namin. Alam kong nakatingin ka sa akin sa may gilid ko pero di ako nalingon. Pero sana lumingon ako para eye to eye tayo hahahahaha.

At ayun na nga nakapasok na kami lahat at nagentrance din kayong mga highschool teachers. At ang masaya pa ay ka-row kita pero sa kabilang side ka nga lang kasi may carpet sa pagitan na magsisilbing daan para sa mga paakyat sa stage. Pero ang ganda ng view ko. Sa may aisle kasi ako nakaupo habang ikaw nasa pang lima mula aisle pero kita pa rin kita.

Panay ang lingon ko sa'yo habang nagsasalita ang guest speaker. Nakakaantok kasi kaya lumilingon na lang ako sa'yo baka sakaling mawala hahahahaha harot. Napansin naman ni Ms. Liza sa may dulo ng row niyo na panay ang lingon ko sa lugar niyo kaya sinenyasan niya ako na lumingon raw ako sa harapan. Sorry naman hahahaha.

At ayun na nga bigayan na ng award. Unang award na ibibigay ay para sa mga estudyanteng nagpaparticipate sa mga clubs and such sa school. Unang tinawag si Ian na kabanda ko para sa award na nagparticipate sa banda at sunod si Gaby. At alam kong ako na ang sunod na tatawagin kaya naghahanda na ako at tama ako dahil ako nga ang sunod na tinawag. Medyo intense pa ang atmosphere dahil medyo una una pa kami sa tinatawag. Kahit malabo ang mata ko dahil di ko suot ang salamin ko ay nakatingin ka sa akin. Ano kaya ang reaction mo?

At tinawag na ang iba pa. Sunod naman ay award naman para sa academics. Tinawag na ulit ako sa pangalawang pagkakataon. Gusto ko malaman reaction mo. Masaya ka ba para sa akin? Matalino na ba ako para sayo? Mga ganyang tanong nasa isipan ko. Basta ngiting-ngiti lang ako ng araw na 'yan.

Nang nagpeperform naman na kami ng Batch Song katabi ko si Faye nasa pinakagitna ang pwesto naman 'di ba sa stage. Malabo ang mata ko pero kita ko talaga na ang gwapo mo, seryoso. Tawa naman kami ng tawa ni Faye habang nagpeperform kasi panay ang bulong ko sa kanya na ang gwapo mo.

Natapos na ang ceremony. Panay ang papicture ko sa kahit sinong makita ko na kabatch mate ko sa labas ng hall. Nang biglang dumaan kayo nina Sir Theo at Sir Ariel. Papapicture sana ako kaso sabi ko wag na lang.

Pero nagsisi na naman ako.

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon