DS64

1.1K 33 11
                                    

Dear Sir,

Kasama ko si Thea bumaba kami kasi magbabayad siya ng Fieldtrip sa may registrar office. Nang umaakyat kami sa hagdan sakto dumaan ka. Papatapak pa lang kami sa second floor tapos ikaw dumaan sa hallway habang nakatingin sa nasa hagdan. Napa 'shit' ako kay Thea habang siya naman tawa ng tawa kasi yung mukha ko raw parang nakakakita ng multo.

Nang matapos na kami mag-exam sa Math at recess na. Imbes na magreview kami sa Filipino ay nagkwentuhan kami sa fieldtrip dahil nga excited na kami. Tawa pa kami ng tawa kasi nga sinasama ka namin sa usapan namin. Tulad na lang kung paano raw kung ka-bus ka namin o kaya naman may game na kung saan kailangan ng mag-teacher na partners. Team-building kasi ang fieldtrip, di ba. Basta ayun kung ano ano ang iniisip namin na posibilidad na mangyari sa fieldtrip. Nang nag-bell na hudyat na mageexam na ulit kami. Nang bigla kang dumaan. Binalik ko ang tingin ko kina Thea, Nana at Gwen habang nagpapabebe ng boses sabay hawi ng ibang strand ng buhok ko sa tenga. Tapos sila nag-react. Nagulat ako. Tapos sina Zeus nagsabi ng nice one habang tinatawag ang pangalan ko. Hindi ko alam ang nangyayari, hindi ko magawang lumingon ulit sa kabilang banda. Naintindihan ko na lang ang lahat nang bigla kang nagsalita nang "okay pakitago na ang mga reviewers"

Shet na malagkit. IKAW ANG MAGBABANTAY SA AMIN? Iyan ang sigaw ko sa utak ko. Inaasar ako ng iba kong kaklase. Shet lalo pa silang nagpapahalata. Nananahimik na nga lang ako. Ayan tuloy nalaman din nung iba kong kaklase ang tungkol sa pagkacrush ko sayo dahil nga sa pang-aasar ng iba kong kaklase lalo na ang mga bruha.

Di ko alam irereact ko kanina kung matutuwa ba ako o ano. Kasi naman bakit ngayon pa kung kailan naman iniiwasan nga kita. Patuloy pa rin sa pag sabi ng 'nice one' ang iba kong kaklase habang ang iba naman tinatawag ng tinatawag ang pangalan ko.

Hindi ko rin magawang makatingin sayo. Hanggang sa dinistribute mo na ang test papers. Sabi ng isa kong kaklase "guys may sobra ba dyan? Ibigay niyo kay gel ah" Ibig sabihin lang naman n'on na kapag may sobra ay ibabalik ko sayo. Bumubulong na lang ako ng "humanda kayo mamaya sa akin". Tumawa yung iba kasi narinig nila iyon. At iyon na nga nagsagot na ako. Gusto kong bilisan ang pagsasagot para makapagpasa na ako sayo pero pinagiisipan ko rin kung tatagalan ko ba yung tipong ako na lang ang hindi tapos para hintayin mo ako. Maya-maya nakita ko si Sir Ariel na pumasok sa room namin at wala ka na. Sabi ko "ay wala na siya" tapos tumawa mga kaklase ko. Sabi nila "ikaw ah" tapos sabi ni Sir Ariel "babalik yun".

"Ay wala na! alam na ng lahat" sabi ko. Tumawa lang sila.

Mga 2 mins. bumalik ka na ulit tapos may kumanta ng lumang kanta na may lyrics na "at ika'y nagbalik". Di ko alam iyang kantang yan siguro luma na. Tapos tumawa lahat. Ako din tawang-tawa n'on pero walang tunog. Kapag tumawa pa naman ako sobrang lakas pero kanina lang walang tunog. Nabosesan ko rin na si Sir Ariel yun. Kumanta siya habang naalis na sa room namin.

Hindi ako makafocus sa pagsasagot kanina sa exam. Ginamit ko na naman ang peripheral vision ko at sa akin ka nakatingin. Naconscious ako bigla, nakatali kasi ang buhok ko. Alam kong magulo iyon. Sayang naman sana naglugay ako para hindi naman ako nagmukhang katulong. Panay ang pasalamat ko kay Lord sa araw na 'to. Parang biglang naging answered prayer ang pangyayari. Dati iniisip ko lang kung kailan ka magbabantay sa amin.

Maya-maya tinatawag ako ng iilan kong kaklase tapos nilingon ko sila tapos tinuro nila yung nasa may pinto. Si Ms. Liza pala tapos nag thumbs up sign sa akin. Sabi ko na lang "sige lang asarin niyo lang ako." Tapos tumawa ulit silang lahat. Nakakainis naman 'tong mga kaklase ko. Tapos nalaman pa nung iba. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa nangyayari o kikiligin eh.

Malapit na akong matapos sa exam. Naisip kong 'yes! Makakapagpasa na ako' nang biglang may mas nauna sa aking tumayo para magpasa pero kay Sir Glen siya nagpasa. Nagulat naman ako kasi nand'on na pala si Sir Glen tapos wala ka na. Tinamad na tuloy akong bilisan ang pagsasagot kasi wala ka na eh. Hanggang sa natapos na ako.

Kinuwento nila Thea kung ano ang reaksyon mo nung panahong inaasar asar ako. Nakangiti ka raw pero pigil. Tapos sabi sa akin ni Ian ano raw ang nararamdaman ko? Sabi ko kinikilig ako pero panandalian lang. Sabi niya mukha rin daw kinilig ka kasi nakita niya ang mukha mo na nagpipigil na ngiti. Ginaya ka pa nga niya eh.

May alam ka na talaga. This time wala nang doubts, wala na rin halong pagkaparanoid ko kasi alam mo na talaga. Paano na lang yung plano kong umamin sayo na sa graduation day ako aamin? Wala na yun. Bahala na. Hahayaan ko na lang ulit si tadhana gumawa ng move.

Bago pala kami mag-exam sa math nakita ko sa wallet ko yung balat ng durian candy na bigay mo tapos inilabas ko at pinakitayun kina Thea na kinikilig na niyayakap yakap yung maliit na balat. May meaning pala iyon.

Magkakaroon pala tayong ng moment. Oo moment na ang tawag ko d'on.

Sabi ko na lang kay Ian na siguro nafflattered ka lang kasi may nagkakagusto sayo. Di bale na kung ano yun basta masaya ako kasi ikaw nagbantay sa amin kahit na iniiwasan kita. Buti pinagbigyan na ako ni Lord. Sabagay finals na eh.

Pero aaminin ko kinilig talaga ako.

Sana sa monday ulit. Please, Lord. Last naman na eh.

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon