Dear Sir,
After ulit ng flag ceremony nagpasurvey ako sa Grade 9, which is section nina Mart. Pero wapakels, keri lang. Nagbell na meaning first period na pero di pa rin sila tapos magsagot kaya tinignan ko schedule nila at Mathematics first subject nila so ibig sabihin ikaw ang teacher nila. Sabi ko sa kasama ko na kausapin ka na lang na wait lang kapag dumating ka na. Maya maya lumabas muna ako ng room ng Grade 9 baka kasi dumating ka na. Pagtingin ko paparating ka na nga. Sakto! Sabi ko bigla "Sir wait lang ha" shems ngumiti ka at pumayag so bumalik ka na lang ulit sa faculty.
Pagkatapos nilang magsagot sa survey forms namin ay lumabas na kami at tumanaw sa faculty para sana ipakita na tapos na kami at pwede ka nang pumasok. At ayun, nakatingin ka naman mukhang hinihintay mo talaga kami. Nakangiti ka pa rin, yesss first time nakita kitang ngumiti kasi ba naman mysterious type ka talaga yung tipong seryoso mo talaga palagi. Nagapprove sign ka pa nga sa amin. At ayun, ngumiti na rin kami as a sign of thank you kasi nakihati kami sa time mo.
Kinikilig talaga ako sa loob-loob ko. Shet talaga di ko makalimutan yung ngiti mo. Di lang basta-basta ngiti eh, ngiti yun na labas ngipin. May bago na naman ako ikukuwento sa mga bruha. Swerte ko naman talaga, nakakakilig na nga noong isang araw pati kahapon tapos ngayon pa.
Ano naman kaya bukas?
BINABASA MO ANG
Dear Sir
Teen FictionDear Sir, some things are better left unsaid. Ganun pa rin naman kasi yun eh, wala namang magbabago. Teacher ka at estudyante lang ako. Kailangan kong tanggapin yun. ©mrslamperouge Started: January 23, 2016 Finished: May 22, 2016