Congrats to my co-author sa chapter na to:lonely heaven, ang galing mo talaga!!
Chapter 2
Ang hirap namang diskartihan nitong si Zarren. Kunwari pa may crush naman sakin. Ramdam ko sa puso ko..Waaaah nagiging teen ager ba ko ulit.. putek yung mga ganong tinginan namin kanina. tsk, ibang klase sya talaga tumingin. parang hinihypnotize nya mga mata ko.. shit ano ba tong nangyayari sakin.attracted ba ko sa kanya? waaah mukhang kelangan ko na talaga ng tulong ng bagong best friend kong si Fate..
Lumilipad utak ni Anghel habang naglalaro sila ng spin the bottle. Puro si Zarren nalang ata ang laman.. tsk, hirap daw kasi paamuhin. Parang mas maton pa kasi sa kanya.. Hay kaya ayun..
Minsang tumapat ang bote kay James. Napatingin sya kay Fate. Naawa sya dito kasi parang emo nanaman. Pano kasi mukhang magkakabalikan si James at Sandy kaya ayun. Nung tinanong si James kung namiss daw ba niya si Sandy.. ANg lolo James mo naman sumagot ng Oo. Syempre hurt si Fate kaya ayun,niyaya nya kunwaring bumili ng ice..(short cut lang po ‘to nasa book 1 ang buong detalye)
Habang naglalakad sila.. Lalo syang naawa nung naispatan nyang lumuha si Fate..Di nya alam kung pano magcomfort ng isang babaeng kaibigan, ala naman kasi sya nun eh.. Hayy...Kaya nga kanina nung kinausap nya 'to nagsuggest syang pagselosin nila si James at Zarren. Pero bakit ganon kay James parang tumatalab, kay Zarren wala lang. Manhid ba yun o magaling lang magkunwari?
Habang wala si Fate at Anghel..
"Describe Anghel in one word."-JP-yung isang tropa ni Anghel. Mejo nakakahalata ata to nung sinundan nya ng tingin si Anghel pagkalayo..
"Haaa?Hot..."
Tawanan. Asaran to the max. Shet bakit ko ba nasabi yun.. Bigla nalang umano sa isip ko yun ha..
"Waaaaah. Hot patay tau jan.. Masabi nga pagdating.."
"No!!! Ang ibig kong sabihin sobrang init ng panahon ngayon."
"Wala na. Walang bawian. Kunwari ka pa Zarren yari ka maitmbre nga yan kay ANghel.."-Tina
Tahimik lang si Zarren. Wala eh wala na.. Kung magsasalita pa kasi sya hahaba lang. Wala naman kasi syang kelangang idefend eh. Di sya guilty.. Waaaah. Weh?
Ayun. Nung mejo ok na si Fate bumalik na sila sa grupo. Tinignan kaagad ni Anghel ang reaction ni Zarren. Nagdiwang bigla puso nya nung nakita nyang nakatingin ito sa kanya. Automatic syang napangiti. Pinaikot ang dila sa loob ng magkabilang pisngi bago hinawi ang buhok nyang nililipad ng hangin. Waaaaaah!!!
Shit. Bakit nakakaadik kang tignang bwiset ka!!!-Zarren. Di na mapigil ang magcomment.
Ayun. Nagstart na ulit ang spin the bottle. Parang gusto na nyang umalis kasi baka tuksuhin siya ng mga kasama nya dahil sa nasabi nya kanina. Buti nalang mas nagconcentrate ang topic kay Fate at James.
Pero aaminin nyang nahurt sya nung tinanong si Anghel kung sino daw ba sa kanila ni Fate ang crush nito..
"Hmm, kung igigive up ni James si Fate liligawan ko sya. " –Si Anghel habang sinasagawa ang plano nila ni Fate na pagselosin si James at Zarren.
(Zarren’s pov)Amputekl!! Bakit parang nasasaktan ako? No way.. hindi ako to..panaginip lang to.. paki ko ba kung crush mo si Fate. Sa bagay pareho kayong baliw kaya bagay kayo! Weh?
Eh bakit pagkasabi ni Anghel na liligawan nya si Fate ay kay Zarren sya nakatingin? Nu yun paepal lang.. Lalo tuloy nainis si Zarren pero syempre talent nya ang magtago ng nararamdaman kaya parang wala talaga sa itsura nya ang naiinis..
Nung matapos na ang spin the bottle nagkayayaan sila ng tropa nyang magswimming ulit...
Dumiretso na si Zarren sa cottage nila para magbihis. Naiwan pala si Jhoan (konti kasi appearance nya sa book1 bibigyan ko dito...hehe...) at naghahalungkat ng damit pambihis.
"Zarren, huy!"
"O, baket?"
"Pansin ko yung malalagkit nyong titigan nung Anghel kanina ah...May nakaraan kayo?" sabay galaw ng kilay, nakangiti pa. Hehe.
Nanlaki naman mga mata nya sa narinig. "Hoy adik, wala noh! At ano yung sinasabi mong malalagkit na titigan? Kung meron man may malagkit kung tumingin sya yon kasi pinagnanasaan nya ako....." Sabay ngiti..Ngising aso lang. Kunwari pa talaga, tsk..
Syempre kahit di naniniwala ay umoo nalang si Jhoan. Wag kana sa mahabang usapan. Kakatamad magsalita ng mahaba.... Basta daw she sees chemistry between the two kase..(weh, english) "Pero di nga, umamin ka na lang..tayo lang naman nandito ngaun eh...Sige, tulungan kita...ano ba susuotin mo?"
Nilabas ni Zarren yung shorts & T-shirt na baon nya. "what the fishnet???ano yan???pano mo maaakit ng todo si Anghel kung yan isusuot mo? Buti may extra ako. Ito nalang gamitin mo may shawl ka naman diba???babagay yan...sexy but conservative..." sabay bigay ng white na one piece swimsuit "Wag kang mag-iinarte. Sasabunutan kita." may kasama pa talagang banta.
Natakot naman sya sa hitsura ng kaibigan nyang sabik sa love story kaya pinagbigyan na nya, Not bad, may taste din pala sa swimsuit si Jho. hehe...
Lumabas na sya ng CR kahit medyo alangan sya sa suot nya. Buti nalang alagang silka ang balat nya kaya hindi na rin sya nahiya. Gagayahin na sana nya yung lakad ni Scarlet na ala-model nang biglang may sumipol paglabas nya. Nasa kabilang cottage pa pala ang HELL ng buhay nya. Muntik na syang matisod dahil dun.
"Wow...hi miss flawless. tsk ang sexy naman...talagang nagbihis ka pa para sakin ah..." ang lapad ng ngiti ni Anghel.
Speechless naman si Zarren kasi nakita din nya ang alindog ni Anghel. Muntik na syang mapaupo dahil nanghina na ang tuhod nya pagkakita sa topless na itsura ni Anghel. pero syempre, you have to keep up appearances, nagtaray pa rin sya. "Maglaway ka dyan kung yun ang gusto mo pero di ako nagbihis para sayo no. Nagbihis ako para makahanap ng boyfriend na walang dugong mapang-alipin. Hmp. Dyan ka na nga." Sabay lakad sa pool kahit nanginginig pa ang tuhod nya..
Ang taray ng lola mo.. napapunas tuloy ng laway si Anghel.. Sinipulan nya ulit si Zarren.. Wwheew! Hindi yung sipol ni Peter sa mga tupa ni lolo Alps ha. hehe. Adik, naalala ko tuloy si Heidi at ang tupa nyang si yuki.. waaaah.. tsk. maisingit lang ang sariwang gatas na mula dito. wahaha
Yun nga lumublob sya sa pool. Unang lusong ay parang malulunod na agad sya.. bigla ba namang lumusong si Anghel eh.. waaaah.. Lamig. Ang lamig ng tubig pero bakit parang biglang kumulo???tsk, Ibang level na talaga ang pagiging hot ni Anghel.. Hay enge nga ng mug titimpla kong kape..
Tas ayun bigla na lang lumitaw si Anghel sa mismong harap nya. Syempre nagulat sya...Waaaah at dahil nagulat sya, natulala sya sa sobrang lapit ng mukha ni Anghel. Palapit ng palapit. Shet ano to, nakita nalang nya na nakatingin si Anghel sa mga labi nya. *gulp* Bakit parang feeling ko naging hot spring tong pool? oh my umihi lang. hehe teka...hahalikan nya ata ako...waaaah my virgin lips..teka-teka, sige-sige.. waaaah parang gusto ko....anak ng putakte...
Halos maduling na si Anghel sa pagtitig sa kanya...(ANghel’s pov)Grabe ang cute talaga nya...parang ang sarap i-kiss...mukhang safe naman...Go na!!! (di yan safe sa totoong buhay!-haha)
Ayan na. Malapit na magdikit mga labi nila. Feel na feel na nilang gawin.. waaah. at ng biglang... *Click!*click!*
Putek, nagflash pa..tsk.
Nakita nalang nila si Jhoan na hawak ang kamera ni Theresa. "Perfect shot, guys!!! Pwede nang cover ng nobela!!! Oooopsss...Time to escape!!!
Nakaalis na si Jhoan nang magsalita si Anghel "tsk..tsk...Mukhang may presidente na fans club natin ah..." Simpleng hirit lang..Sayang andun na eh...Para tuloy gusto nyang magsisi na sinama pa nya friends ni Fate...pero ok lang..hihingin na lang nya yung kopya sa friend nyang yun para remembrance lang..."May ilalagay na akong pic natin sa wallet ko, Babes" todo ngiti lang sya pero naglaho nang makita nya ang nakasimangot na mukha ni Zarren..."Oh bakit? Nabitin ka ba? Sige ulitin natin" Sabi nya sabay nguso.
Syempre hindi pahahalata ang lola mo na kinilig. "Kapal mo! Asaaa!.Kinikilabutan ako.. Yuck! Baka mahawa pa ko ng virus mo!" Sabay hampas sa mukha ni Anghel na nakanguso pa. "At anong tinawag mo sakin? Babes?! Kapal talaga ng apog neto..." Sabay langoy palayo...Baka kasi di sya makapagpigil at sumambulat ang kilig nya...hihi...
Hindi rin naman syempre nagpahuli si Papa Anghel at hinabol ang lola mo. "Sige dare tayo. Since mukhang marunong ka namang lumangoy gawin nating mas exciting tong outing na to..."

BINABASA MO ANG
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...