“Hala, ano ng gagawin natin neto.. Malas naman oh. May balat ata sa pwet yung isa jan eh.”-Yanskie. Yun oh, si Anghel walang pakielam sa nagsasalita, nakatitig pa rin ke Zarren. Di ata maka get over sa ‘bayaw’ issue..
“Oy, pano mo nalaman, nakita mo ba ha?”-Nathan.
“Yuck. Teka lang.. parang may bahay dun oh.”-sabay turo lang sa nakikita nyang barong barong.. waaaah. Me ganon talaga eh noh.. tsk.. sa mga kwentong naliligaw, laging me nakikitang bahay diba.. hehe, gaya gaya nalang.. hihi
“Oo nga noh, tara puntahan natin.”-Sabay baba lang si Nathan. Bumaba rin si Yanskie. Pero ang dalawang mag sing irong natin ay nanatili sa loob.
“Uy, galing mo ah.. tara, maglakad nalang tayo pabalik, tas taxi nalang tayo. Iwan na natin sila.”-Yanskie
“Pano tayo babalik eh naliligaw nga tayo. At ang layo na ng narating natin.”
“Ano? Naliligaw tayo talaga? Waaaaah! Bakit mo niligaw!”
“Eh diba sabi mo iligaw ko.. ayan tuloy natuluyan. Kasalanan mo to!”
“Bat ako, sabi ko kunwari lang, bat mo tinotoo? Hay badtrip naman, nakadress pa naman ako.. Ang inet neto.”
“Edi hubarin mo. La naman titingin jan eh.”
Tumahimik nalang si Yanskie at naghubad.. Haha, joke lang alang ganon… Naglakad sila papunta sa bahay..
Samantala… silipin natin ang dalawa sa kotse..
Si Anghel parang napipi na sa sitwasyon.. Nanigas na sa sobrang kaba.. Pero syempre pinilit nyang kalmahin ang sarili… nag ehem muna bago…”Zarren…”
“Hmmm?”
“Ahmm..”
“mmmm?”
Leche puro ganyan nalang ba? Try nyo animal sound.. haha, tiktilaok oh aw aw aw pwede din.. tsk
“Ah eh ok ka lang ba jan. Ok ba yung ayos mo?”-Anghel. Ano ba tong pinagsasasabi ko. Hay bahala na nga.
“Ok lang. Nauuhaw na ko.”-Waaaah, Zarren pumaparaan na. Ambagal kasi neto ni Anghel eh..
“Ha? Teka, may mineral water dito..”-Sabay kuha lang sa likod.. tsk boyscout eh..inabot nya ke Zarren. Bawas na nga eh. ininuman nya kasi kanina… Haha, indirect kiss nanaman ba yan.. tsk.
“Thanks.”-Zarren, natawa lang pagkainom.
“Bat ka natawa? May naalala ka?” Anghel nakangiti lang.
“Ha? Wala. Yung lasa ng tubig.” Kalasa mo!- Waaaah bwiset na Zarren to ah..
“Anong lasa?”
“Wala. Basta.”
Katahimikan. Mga 1min.
“Ehem.. Parang gusto ko rin atang uminom. Penge nga po ng tubig.”-Anghel, pumaparaan din ng indirect kiss oh.. tsk.. wala na tapusin na to.. tsk
Yun. Inabot ni Zarren, sabay lagok lang ni Anghel. “Sarap.. Thanks.”- lasang lasa ang linamnam. haha
“Buti pa si James masaya ngayon.. Nu na kayang ginagawa nila?”-Anghel
“Malamang nagpapakasaya. Samantalang tayo eto, naliligaw.”-buti nalang lumabas ang dalawang takas sa mental..nakapagsolo tuloy kami ni Anghel. Hihi
“Oo nga eh. Kaiinggit. Tayo kaya?”-waaaaaah, nu ba to, parang bilis ko.. panu kung di sya sumagot.. kakahiya.. waaaah
As usual tumahimik si Zarren, nag isip ng magandang sasabihin. Kaso biglang nagsalita si Anghel..

BINABASA MO ANG
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...