Ok , tama na ang paghihintay. Di na ko sesegwey. Narito na at mainit init pa ang karog ng nakaraang chapter..
“Tita Zarren, bakit mo po love si Tito Anghel eh wala naman po syang dollars?”- Raffy pasaway talaga.
Napangiti si Zarren habang iniisip kung bakit nga ba nya love si Anghel. “Ahm, kasi were meant to be. Love ko sya eh. Basta yun na yun. Kahit wala syang dollars o kahit mahirap lang sya, love ko pa rin sya.”- weh Zarren, di nga. Parang tunog plastik eh. tsk, tsk. Eh tanungin nyo kung ano reaksyon ni Anghel. Eto oh.
“Yiiiih, mahal ko love mo nga talaga ko noh. Anong sabi nyo kids, kiss ba?”- nye, eh wala namang nagrerequest ah. Adik talaga tong si Anghel. Sabay kiss lang kay Zarren.
“Mahal naman ano ka ba may mga bata oh.”—Zarren, kunwari pang ayaw. Hihihi
“Ok lang po yun tita Zarren. Si mommy at daddy nga po nagkikiss din eh. Sabi ni mommy lahat daw po ng may love dapat i-kiss. “
“Ay naku tama ka jan pamangkin, apir tayo jan. Gusto nyo isa pa eh. Hehe.”-Anghel nakipag apir lang kay Raffy.
“Tita Zarren, kelan po lalabas baby nyo? Gusto naming may bagong baby na po dito para may bago na kaming kalaro.”-Mica
Ano daw? Pakiulet nga Mica parang nabingi ako ah. “Naku naman kids, hindi pa naman kami kasal ni Tito Anghel. Kaya di pa kami pwede magkababy.”
“Waaaah. Pwede naman eh.”- Pabulong na sabi lang ni ANghel. “Ehem, ehem, sige kids, botohan tayo ha, sino sa inyo gustong maging asawa na kaagad ni Tito Anghel si Tita Zarren, at magkaron na ng bagong pinsan, taas ang kamay!”- waaah, talino lang ni Anghel, ginagamit pa ang mga bata ah. Tsk. Syempre lahat ng chikiting nagsitaasan ng kamay sabay sabay pang nag sabi ng “Ako! Ako!”
“Oh pano ba yan mahal ko, mga bata yan. Masama kung di sila pagbibigyan. Diba kids?”-Anghel, sabay akbay lang kay Zarren.
“Oo nga po tita Zarren, pakasal na po kayo ni Tito Anghel, ngayon na po. Gusto ko ako flower girl. Kasi yung classmate ko flower girl din sa kasal ng tita nya eh. Ako din po ah. Pink po gusto kong gown.”-Georgie, may sarili na palang plano eh. Tsk, baka may sketch na rin ng gown ang batang to ah. Hehe
“See, mahal. Excited na sila oh. Tara na. May kilala kong wedding planner, tatawagan ko na ba?”- Sabay kagat lang ni ANghel ng hinliliit nya. Waaah, me ganon.
“Seryoso? Trip mo lang ata eh. Joke?”-Zarren di lang talaga makapaniwala sa mga naririnig nya.
“Tita Zarren, tara po sa room ko may papakita kong bagong toy. Tara bilis!”- Raffy sabay hila lang sa kamay ni Zarren. Nagkatinginan lang sila ni Anghel. Tsk, halata lang sa mga mata ni Zarren ang panghininyang. Badtrip kasi tong si Raffy, bigla nalang sesegwey ng toy eh. Hay. Sira tuloy ang moment nya. Feeling nya nakahanda ng bumitiw ng linya si ANghel eh. Tsk.
Nagmamadali syang hinila ni Raffy sa room nito. Halos mapagod sya sa pagtakbo kasi nga sinasabayan nya ang isang batang makulit. Yun,nung tumapat sila sa pinto ay bigla lang bumitiw sa kanya. Hay, napakatamad lang na bata, parang sya pa ata gustong pagbukasin ng pinto. Binuksan nya. Nothing unusual naman para sa room ng isang five year old na bata. Naupo sya sa kama at hinintay si Raffy sa ipapakita nyang bagong toy. Sa totoo lang badtrip pa rin sya. Pero syempre, wala na eh, andun na kaya ituloy nalang ang trip ni Raffy. Yon. Kasunod nila ay pumasok na rin sila Anghel.
“Oh Raffy, asan na yung papakita mo?”- Zarren pasensyoso lang.
“Eto po.” Sabay labas lang ng isang CD. CD? Nung meron sa cd na yun. Nagkatinginan tuloy si Zarren at ANghel. Di rin gets ni ANghel kung ano ang trip ng pamangkin nya.
BINABASA MO ANG
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...