Chapter 4
Kinabukasan, nag undertime pa talaga si Zarren para lang mas mahaba nyang makasama si Anghel. Syempre di nya yun sinabi sa kumag, lalaki nanaman ulo nun. Yun, pasalamat nalang sya hindi na umakyat sa lobby si Anghel, kundi pagkakaguluhan nanaman yun ng mga officemates nya. Tsk, aminado naman sya eh, di talaga pangkaraniwanang dating ni Anghel. Masyadong nakakapang akit sa paningin. Hehe Parang model. Hirap nga daw itago. Pag yun naging boyfriend nya, siguradong lagi silang pagtitinginan ng mga girls. Kaiinggitan ganon.
Feel na feel nga niyang maglakad sa mall eh. Pano kase halos lahat ata ng babae dun inggit sa kanya. Dahan-dahan talaga syang maglakad kahit di naman naka-heels. Wahehe. Pero syempre di sya kumakapit kay ANghel, mahirap na baka mag assume nanaman yun. Gustuhin man nya, kasi na t-temptna sya kumapit sa brasong may muscles. hehe
Pumunta sya sa ladies section. Naexcite sya nung may nakita syang black na dress. Nilapitan nya para tignan. Syempre una nyang nakita ay ang presyo. Mahal. Di kasya sa budget. Pero parang trip nyang isukat para lang ipakita kay Anghel ang taglay nyang kagandahan. Wahaha
“Maganda ba?” Umikot pa talaga sya sa harap ni Anghel. Hmm, mahaba namn ang dress kaso nga lang backless. Di sya sanay sa ganon. Conservative lang. Pero keri nyang magsanay para lang kay Anghel. Ahihi
“Panget. Palitan mo.”
(Zarren’s pov) Waaaah! Ni hindi manlang ako tinitigan maige. Hmp!. Bakit ha, isang sulyap lang ang ginawa mo tas panget na..napakasakit mong magsalita.Ampnes! I hate you!
“Bagay naman ah. Siguradong maiinlove sakin lalo si Francis dito. Hehe”-nilakasan lalo nya ang pang-aasar.
(Anghel’s pov) Putek, nakakalalake na talaga yang Francis na yan ah. Pag aaksayahan mo pa ng oras at pera. Hay, bulag ka talaga Zarren, eh ako andito lang. Di mo na kelangan pa bumili ng damit. Kahit ala nga ok lang eh. hehe
Napasimangot si Anghel, halatang badtrip. Di naman talaga nya hilig ang mga ganong lakad eh, yung sumama sa babae magshopping. Kase bukod sa naiinip sya, nahihilo rin sya sa mga taong daan ng daan. Gusto na nga nyang patirin yung mga dumadaan sa harap nya. Di talaga nya feel ang maglibot sa mall.
Yun nga. Walang nagawa si Zarren. Eh pangit sa paningin ni Anghel eh. Kumuha nalang ulit sya ng isa pa. Red naman. Sinukat nya. Mukhang sexy ang tabas ng damit. Mejo maiksi kaya mas lumutang ang ganda ng legs nya. Nung nakita nya sa salamin ang itsura nya, lumabas na sya para ipakita kay Anghel.
“What??Bagay noh?”- oh yung mata mo, yung mata mo..legs ko ay nakakasilaw noh?waaah
“Hmm, pwede na kaso ang laki ng hita mo. Itago mo nalang kaya.” –Kahit naglalaway na pinipigil parin ng mga mata nyang manatiling nakatingin sa legs ni Zarren.. Ini-spell nya sa utak nya ang salitang P-R-I-D-E
(Zarren’s pov) GRrrrr! Bastos ka talagang espanyol ka! Peste ka lang! Bakit ba, maganda naman eh. Sexy nga eh. Wala ka bang taste o sinasadya mo lang akong asarin ha?
(Anghel's pov)-langhiya naman oh. Bakit ba mag susuot ka pa ng ganyan para lang sa kanya ha, hindi ako papayag na maligayahan ang mata nun, tsk, tusukin ko pa yun gaya ng ginawa ko sa maangas na kapit-bahay ko dati eh.. tsk..Panis sakin ang kawatang Francis Bacon na yan. wahaha!

BINABASA MO ANG
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...