Chapter 6: ♫pagkat ikaw lang ang nais makatabi..malamig man o mainit ang gabi♫.

517 6 5
                                    

Chapter 6

Badtrip. Ano na kayang iniisip ni Zarren sakin ngayon. Waaaah, kung bakit ba naman kasi yung pasyente kong yon, nadulas pa sa kandungan ko.. Hay, di ko talaga yun sinasadya.. Aksidente ang nangyari. Di ko yun ginusto.. Pero ,pano na to, anong gagawin ko.Yan kasing si Zarren masyadong madumi ang isip. Jumping to conclusion. Di manlang ako binigyan ng benefit of the doubt. Tsk, bwiset, pano ko magpapaliwanag sa kanya eh ang dami na nyang sinabi nun..inakusahan pa kong may AIDS. Putek, tapos na ata ang maliligayang araw ko kasama sya. Kailangang makaisip ako ng magandang paraan para magkasundo ulit kami. Tsk, konti nalang sana eh. Sayang..-Anghel habang nakahiga, hawak ang cellphone. Inaabangan nya kasi kung magtetext si Zarren. Tsk, asa pa sya eh certified playboy hopiang baboy na sya sa paningin nito eh. Mahirap yan. Kung ako sa kanya, suyuin nalang nya si Zarren. Wala ng arte-arte. Bigyan agad ng bulaklak. Double time. Baka biglang sumabog yang si Zarren at masampal nanaman sya.

Yun. Nung nakaisip na sya ng tama at magandang paraan ay bigla nyang tinawagan ang best friend nyang si Clark.

“Tol, happy bday. San ka nga pala magcecelebrate?”-Anghel biglang tanong lang. Di na sumegwey pa.

“Aba tol, sakto. Tatawagan nga sana kita eh. Dito sa bar. Ano, punta ka ah. Dapat kumpleto tayo. Nag-invite na rin ako ng mga chikababes. May ipapakilala ko sayo.”

“Sige ba. Pupunta ko jan bukas. Tol, pwede ko bang isama si Zarren?”-ayun. Segwey nya pala yung kanina. Tsk.

“Zarren? Yung tropa ni Fate? Sige sige. Isama mo na rin si Scarlet para mas masaya. ”

“Sige ba. Geh pre bukas nalang.”

Ayun. Sa pagkakataong to, lubhang hindi rin mahagip ng aking isipan kung ano ba talaga ang binabalak nitong si Anghel. Napakahirap kasing basahin ng utak nun eh. Lam mo na,  Mga lalake nga naman..

Kinabukasan.. mga bandang alasais ng gabi.. pinuno muna ni Anghel ng hangin ang dibdib nya bago kumatok sa pintuan ng bahay ni Zarren. Nagtext na sya dito kanina na susunduin nya ito kasi nga invited to sa birthday ni Clark. Kaso nga lang, di nagreply kaya maaga nalang syang pumunta sa bahay nito.

Mga 10 mins na rin syang kumakatok ay wala paring nagbubukas ng pinto para sa kanya. Nakailang tawag na rin sya mula sa labas.

Samantala sa loob ng bahay, nasa sala lang naman si Zarren at pinapakinggan ang pagtawag ni Anghel. Kanina pa sya naaasar. Ang kapal ng mukha. Matapos nang nakita ko kahapon, may mukha pa syang ihaharap sakin. Bahala ka jan. Manigas ka!

“Zarren. Buksan mo na kasi to. Alam kong anjan ka. Nakakahiya naman kay Clark oh. Birthday na birthday halos walang pupunta. Makisama ka naman.”

(Zarren’s pov) Nahihiya ka kay Clark, pero sakin hindi. Kung alam mo lang kung gano kasakit para sakin ang tagpong nakita ko. Walanghiya ka talaga! Makikipagcelebrate ka pa kay Clark, tas ako, eto nagdurugo ang puso. Peste!

Sa puntong ito, biglang dating sa eksena ni Scarlet.  Sakto lang ah. Syempre, pag si Clark nga naman ang pinag uusapan, mabilis pa to sa alas kuwatro. Kasi naman tinext sya ni Anghel na meeting place nila ang bahay ni Zarren para sabay-sabay silang pupunta sa bar ni Clark kung saan dun din to kumakanta bilang lead vocalist ng banda.

“Bakit, may LQ kayo? Naku naman ngayon pa kung kelan naman birthday ni Clark eh. Pwede ba mamaya na kayo mag away jan. Ihatid nyo muna ko kay Clark. ”- ambwiset na Scarlet di naman halatang adik sa pagmumukha ni Clark eh noh. Tsk. May dala pang gift ang lola mo. Nakabox pa. Ano kaya yun?

“Oo nga. Sabihin mo nga jan sa kaibigan mo na buksan nya muna ang pinto at mag-usap kame. Magpapaliwanag ako. Let me explain!”- hanep bumabanat pa ng ganong line. Tsk. Ikaw na.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon