pinakamalupet na epilogue

454 10 13
                                    

 Dedicated sa lahat ng nagbabasa ng karog! woooh! Salamat sa mga matyagang nag aabang ng updates.. Para sa inyo toh!

 9months later…syempre short cut na noh.. kanya kanyang imahinasyon ng church wedding nila.

“Baby, maawa kana kay mommy..Wag mo na sipain ha.. lapit ka na rin lang lumabas eh. Paglabas mo,dun ka nalang sumipa ng sumipa ha.”-Si Anghel oh himas himas ang tyan ni Zarren. tsk, ano to? Wala tayong kamalay malay na nabuntis na pala si Zarren.. tsk, jackpot at bull’s eye pala ang kotse moment nila ni Anghel nun.. tsk.. Tulis lang ni Anghel.. Haha. Yun. lakas lang sumipa ng baby nya oh.  Manganganak na daw kasi sya anytime eh.. tsk, sabi kaya ng doctor. Kaya ayun, si mister todo kaba, kasi lagi nang sumasakit ang tyan ni Zarren eh..

“Oo nga baby, si daddy nalang sipain mo paglabas mo.. Wag ako, masakit na eh.”-Zarren, ang kulit lang magmakaawa sa baby nya.

“Hehe. Sige na nga ako nalang sipain mo baby.. Kelan ka ba kasi lalabas, excited na si daddy eh.. Siguradong cute ang magiging baby nila tito James mo..Epal naman kasi ang combi nila ni Fate eh. Waaah. Pero syempre di tayo papatalo sa dalawang yun.. Hmp, mas cute ka dun.. Sana boy ka din.. para tropa mo ang magiging baby boy nila tito james mo. Hehe”

“Ikaw naman kasi, gusto mo pang surprise eh. Sana nagpa ultrasound nalang ako. Yan tuloy pink at blue ang mga gamit nya. Ang gastos kaya.”

“Eh basta! Ok lang yan, gusto ko talaga surprise. Hmp! Baby, pwede ba pa share si daddy ng milk? Nyahaha! Di ka pa naman lumalabas eh..sige na..”- Bwiset lang tong si ANghel eh noh. Epilogue na nga humihirit pa ng ganon.. tsk.. tae. What can you say zarren?

“Waaah! Bad ng daddy mo baby noh? Hmp! Lagi nalang yang ganyan. Hehe, wag kang mag alala, pag laki mo bigyan mo ng lesson yan ah. “- tsk, baligtad na kasi ngayon.. sa panahon ngayon.. putek, alam ko walang sense. Haha.

“Ikaw naman mahal, ayan oh sumipa ulit si baby. Ibig sabihin payag sya.. haha, nice naman baby ko di madamot sa milk.”

“Haha! Ahhhh!!! Awwwww!!! Anghelllll! “-Zarren, bigla lang sumakit ang tyan.. Baka manganganak na.. tsk

“Mahal bakit? Masakit nanaman ba?!! Naku naman! Wait lang! Tubig gusto mo?”-Panic ang balbon oh.

“Masakittttt naaaah!!,, manganganak na kohhh! AHhhh!”

“ANo? Teka lang….shit! Putek nasan na ba yung pants ko?! Mahal nasannnn?!!”- waaah, di na nya alam gagawin oh. Palakad lakad sa loob ng kwarto.. haha, panic mode ang lolo nyo.. nakaboxers lang kasi sya.. buti nga nahagilap nya tshirt nya eh.. haha

“Anghel!!! Ano ba bilisan mo lalabas na syaaaa!!!Araaaayyyy!”

“Sandali lang mahalll. Naman eh… tara na nga … shit yung susi? Shit!!”- Buhat si Zarren habang nasa bibig nya ang susi. Haha.. adik lang.. buti nalang di nya naibagsak eh.. pinaghirapan nyang ibaba ng hagdan si Zarren oh.. haha. Kakatawa lang itsura nya nun… sumakay ng kotse ng nakaboxer lang.. baligtad pa tshirt oh.. tsk..

“Bilisan mo na magdrive!!! Lalabas na syaaaaa! AHHHHhhh!”

“Eto na nga po.. huhu! Baby matuto kang maghintay ah. Tsk. Makinig ka ke daddy wag kang pasaway! Dyan ka muna sa loob.”

Yun. Drive drive gang marating ang ospital. Alang paki sa mga taong nakatingin sa ayos nya.. grabe lang talaga ang kaba nya eh. Syempre sobrang love lang talaga nya si Zarren eh. Kahit papano ay may alam naman sya sa mga ganong bagay. Hello, dentist sya diba.. pero syempre iba pa rin daw pag mahal na nya ang nakasalalay diba.

Nung maipasok na si Zarren sa delivery room, syempre sumama sya.. Buti nalang classmate nya dati yung magpapaanak ke Zarren, kaya nagging madali ang lahat..Sobrang awang awa lang sya kay Zarren nung naglalabor eh.. Feeling nya dinig ng buong pilipinas ang pagsigaw.. tindi pala ng boses ni Zarren pag sumisigaw eh.. nagiging soprano daw.. hehe.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon