“Ang storyang inyong matutunghayan ay di angkop sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan..XD”
Prologue
“Ako lang naman yung batang walang awa mong pinahiran ng kulangot nung grade three”! Halos mamatay si Anghel sa katatawa sa mga salitang yon ni Zarren. Grabe, ang tagal na nun ah.. 13 years ago pero kung makapagsalita tong si Zarren parang kanina lang naganap. Parang sariwa, may lagkit, may angas at mainit-init pa ang sabaw ng kulangot nya. Waaaah…Nakalimutan na nga nya kalokohan nyang yun nung bata eh. Eh kaso bigla nalang may mangyayaring ganon. Akalain ba nyang muli silang magtatagpo ng batang yun at eto pa mismo ang nagpaalala ng ginawa nya..Akalain din ba nyang may mga tao palang ganon, yung tipong nagtatanim ng sama ng loob. Kung sya kasi tatanungin, kung sa kanya mangyari yun, yung pahiran, ano lang, sakto lang. Parang wala lang.. Syempre mga bata eh, natural lang yun diba.. Pero itong Zarren iba, hanep ang memory plus. Naamaze tuloy sya. Ang lakas ng tawa nya habang pinipilit nyang balikan yung mga nangyari nung grade three…
One, two, Three…Sabay sabay silang limang magkakaibigan na dumukot ng deadly weapon sa kanya-kanya nilang ilong.
“O game na line up..” waaaaah hinilera nila ang kanilang mga hintuturo. Palakihan daw. Kung sino pinakamalaki sya na ang tatanghaling lider ng grupo..Naisip na kasi nilang magkaroon na ng lider. Yung tipong meron na talagang mamumuno sa kanila. Yung talagang responsable na pag gumawa sila kalokohan ay sya ang talagang sasalo.. Hirap daw kasi ng walang lider sa grupo, walang tagasaway at taga plano. Kaya ayun gumawa sila ng kasunduan. At yun nga ang napagkasunduan nila, na sa araw na yon, gagawin nila ang matagal na nilang pinagplanuhang “k session”
Halos isang linggo rin nyang inipon yon. Isang linggo nyang tiniis na wag umani Pag may pagkakataon pa ay dinidiligan nya para daw tumubo agad at magkabunga.. (waaaah ginawa pang halaman!). Isang linggo rin syang hindi sumabay sa bus service pauwi para daw makalanghap ng madaming alikabok.. Para-paraan ng pag-iimpok. Gusto kasi talaga nyang manalo at maging lider kaya gagawin nya ang lahat. At ngayon, ang araw na pinakahihintay nya.. Kahit pakiramdam nya ay umakyat na hanggang utak nya ang mga inipon niyang kayamanan, tiniis nya parin kasi alam nyang mahigpit ang kumpitisyon. Lahat sila ay gustong maging lider kaya lahat ay may kanya-kanyang paraan para makaipon.. Ang bespren nyang si Andrew lumaki na ang butas ng ilong. Parang ayaw nang itikom, takot na baka walang masagap. Puro inhale nalang ang ginagawa. Si Sammy naman petiks lang. Pero pakiramdam pa rin nya ay lugi sila dito kasi sa squatters area 'to nakatira. Lahat halos ng dumi ay pwedeng mapunta dito kung gugustuhin nito. Di na kailangan pang mag-ipon. Natural na eh.
Isang minuto lang ang napagkasunduan nila para hanguin ang mga iyon. At sa loob ng isang minutong iyon, halos pagpawisan silang lima sa pagkuha. Sa unang sampung segundo, swabeng-swabe lang.Mejo may moist pa. Ingat na ingat syang inipon yon. Ayaw nyang ilagay sa tissue kasi baka daw mabawasan. Akala mo brilyante sa sobrang pag iingat nyang wag mahulog.
30 seconds ay parang dudugo na ilong nya. Kokonti nalang ang natitira nyang bala..Tinignan nya mga kasama nya, parang napakarami pa nilang nakaimbak. Parang mga langgam ang mga ito. Hilig mag-impok para sa kinabukasan.
Tumigil sya saglit. Di na nya kaya..Natuyo na ata sa loob. Alam nyang meron pa pero di nya makuha..Ang tigas..”Bakit matigas? Dinidilig ko naman ah”-sa isip nya.. Malapit na syang sumuko pero di pwede. Dito nakasalalay ang pagiging lider nya..
'Time is up!'- Sumigaw ang isa nilang klasmeyt na inarkila nila para maging taga oras at at the same time, maging judge.
Napangiwi sya. Pinakatitigan nya ang mga ‘perlas ng silangan’ ng barkada nya. “Bakit? Bakit bojug ang sa inyo?” Hindi sya makapaniwala.. Parang gumuho mundo nya.. Pano nila nagawa yun? Sa kanya ang pinakamaliit!! Yung kay Sammy ang pinakamalaki. Halos sinlaki na ng malaking perlas na hikaw ng mommy nya.. Nainggit sya. Badtrip lang yung kanya sinlaki lang ng maliit na sago sa taho!
‘Ginawa ko naman ang lahat ah(drama lang)..Teka, baka naman puro hangin lang yan ah.’ protesta nya.Pero walang nagreact.. Lahat ata ay proud kay Sammy.. Parang sang-ayon lahat sa bagong lider..
“Ok Sammy binabati kita, ikaw na ang lider ng grupo nyo! Congrats!” Bati ng klasmeyt slash judge nila. Di na sya makaangal eh pano nagdiriwang ang lahat. Hanggang sa magspeech na si Pinuno. Di nya masyadong pinakinggan kasi nga badtrip sya diba. Nag expect pa naman syang mananalo.. Tas kulelat pala sya. Hanggang sa napagkasunduan ng apat na bumuo ng isang bolang ‘K’.. Yung parang ginawang bola sa tinunaw na kandila pag undas. (pasintabi lang po sa mga kumakain jan! )
“Teka, bakit kayo lang? Pano tong sakin? Nung gagawin ko dito?”
Nagbulungan ang apat..tapos..”Well, napagkasunduan ng samahan na dahil sayo Anghel ang pinakamaliit ay may consequence ka. Ipahid mo yan sa unang babaeng dadaan!”-Pinuno
“Waaaah! Ano??No way! Itatapon ko nalang to!”
“Pag tinapon mo yan at di mo pinahid ay di kana kasapi sa sanduguan, tandaan mo yan”
“O kaya magiging aliping saguiguilid ka namin. Kaya sige na ipahid mo na..”
Ayos ah, lesson lang natin yan kanina sa sibika ah.. waaaah no choice. Ayokong maging aliping saguiguilid. Maharlika ko noh. Kayo nga timawa lang eh.. Tsaka pinaghirapan ko to. Sayang rin tong gems na to kung itatapon lang, may pagka balbon pa naman. Bwahaha.. Hayyyyy pano kung teacher ko ang dumaan? Patay na.. bahala na. para sa sa pilipinas tong gagawin ko..
Yun nga. Lumabas sila sa kuta nila para masigurado nilang may dadaan. Nasa likod sila ng cr kanina para walang makakita sa kanila. At ngayon pumunta sila sa harap ng flag pole para mag-abang ng babaeng dadaan.
Matumal. Mga sampung minuto na sila ay wala parin. Ika labing limang minuto na nang may babaeng grade six na dumaan. Lalapitan na sana nya ng biglang may batang humahangos na tumatakbo palapit.. Nabunggo pa sya ng batang yon. Nagkatingin sila ng grupo. Kumindat si Pinuno, hudyat para ipahid na. Parang nanghina ang hintuturo nya. Nanigas. Hindi nya magalaw. Pero sa huli ay napagtagumpayan nya. Walang awa nyang pinahid sa mukha ng batang babae.….Ngumiti ang bata. Ewan nya kung bakit. Parang hindi alam na may pinahid sya..Dun palang nya namukhaan kung sino ang batang iyon… O hindeee! Ang cute na cute na president nila.. si Zarren…

BINABASA MO ANG
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...