Chapter15 "ang sakit sakit" -zarren..

404 5 17
                                    

__dedicated to truelovewaits..happy bday!__

Anong nangyayari, bat ganto? Tsk. Di ako papayag. Anghel, gumising kang ungas ka..Magpaliwanag ka! Pati ako selos eh.. hehe .Yun. Nung nagsimulang pumatak ang mga luha ni Zarren, di na nya mapigilan yun.  Kagat nya ang labi nya habang pinipigil ang emosyon. Ang sakit lang sa mata.  Mas gugustuhin pa niyang mapuwing kesa sa nararamdaman nya ngayon..Ang sama pala sa pakiramdam na makita mo ang taong mahal mong may kayakap na iba. tsk tsk. Nakasubsob pa naman si Anghel sa leeg ni Jam. Hay..Naisip lang nya, ganon din ang eksena nila dati ah..Nung malasing sya nung birthday ni Clark.. Deja vu lang ah, yun nga lang ibang babae..hay, matapos niyang isacrifice yung promotion nya at piliin si Anghel ganto lang aabutan nya? Nagsisi tuloy sya kung bakit di pa sya tumuloy. 

Halos mapalakas na sya ng hikbi ay hindi pa rin nagigising si Anghel. Sinadya nyang ilakas para sana magising eh kaso ayaw talaga.. Mukhang nagkasarapan pa ata ang dalawa.. Huhu, what a term, it hurts.. tsk.. Di sya makakilos. Parang di nya kayang gumalaw. Manhid ang mga paa nya sa nakikita nya. Malay ba niyang magagawa sa kanya ni ANghel yun.  Ni sa panaginip nga secured syang hindi sya kayang ipagpalit ni ANghel sa iba eh.. Pero pano? Pano na.. Tsk.. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na niloloko lang sya ng sarili niyang mga mata eh..Hay.. Pano pa niya hahayaang magpaliwanag si Anghel niyan, kung mismong ang sarili nya ay convinced na na totoo ang nakikita nya?

20 segundo pa at nakapag isip na nang maayos ang utak niya..Masyado nang masakit. Di na daw nya kayang tignan.. Tumalikod na sya kasabay pa rin ng agos ng mga luha niya. Parang nasusuka syang ewan.. Napahinto sya tsaka napatingin sa engagement ring nya…Huminga nang malalim bago tinanggal yun…Sayang, ang mahal pa naman. Pero syempre, wala ng presyo presyo ngayon...Puso't damdamin na nya ang nakataya.. Yun..Sobrang gulo pa rin ng utak nya, bahala na kung pagsisihan man nya ang magiging desisyon nya ngayon.. Ang importante matigil na ang sakit…Yun, Iniwan niya sa center table kasama ng susi tska sya umalis..

Palabas na sya ng gate nung biglang may tumawag sa kanya…

“Zarren!”-Jam, parang guilty ang look pero para ring hindi..Upakan ko na ba? hehe

Di sumagot si Zarren. Parang pinag aaralan pa kasi nya kung ano ba ang meron si Jam na wala sya kaya sya ginanon ni Anghel..At nung maisip na nya ang dapat sabihhin, yun.. tumira rin..

“Kapal mo! Kelan pa ha? Best friend? Tropa? Bitch!”   Zarren,  ang puso mo..wag kana kasi kakain ng taba eh. Pero sige lang ipagtanggol mo sarili mong niyurakan, inapakan at sinaktan ng babaeng yan.. Go Zarren!

“Zarren sorry. Sorry kung di namin nasabi sayo..”- waaaaah, ano nanaman to? Papansin lang ba tong si Jam oh may something talaga sila ni Anghel na hindi sinasabi sa ‘ten?Bwiset..

“Ano? Anong ibig mong sabihin?”- Zarren, nanginginig lang ang boses. (wag ganyan Zarren, i ch-cheer pa rin kita..Go balbon..)

“I’m sure sinubukan ni Anghel na sabihin sayo. Pero..Pero baka naduwag lang sya. Sorry, hindi namin sinadya yun. Pero ginusto rin naman nya..”---bwiset ka lang Jam.. Epal ka, bumalik ka na nga sa tyan ng nanay mo.. tsk..

“Ginusto nya ang alin? Shet kayo! Ginagawa nyo pa kong tanga. Tas ngayon may gana ka pang kausapin ako ha. Ano, mag eexplain ka kung pano nyo ginawa? Masarap ba ha? Masarap ba sa pakiramdam na nakakasakit ka?”- sige lang Zarren, iiyak mo yan..make her feel guilty.. pakita mo sa kanyang iyo si Anghel.. Gayahin mo si Christine sa no other woman.. Gulpihin mo yan. Haha. Yun oh. Inspirasyon.. tsk.lupet.

“Zarren, kung mahal mo sya, maiintindihan mo..Intindihin mo na sakin sya masaya. Mas kilala namin ang isa’t isa. Nagmamahalan kami noon pa..Bago ka pa dumating..Umalis lang ako pero..Pero alam kong ako parin ang mahal nya..Ginamit ka lang nya para makalimutan ako..Pasensya ka na kung naririnig mo ang lahat ng ‘to.. Pero kailangan eh. Kung nasasaktan ka ngayon, nasasaktan din ako..Ngayon pa na may nangyari na samin..Itawag mo na sakin ang lahat ng gusto mong itawag pero akin sya.. Ako ang mahal nya...Kaya ngayon palang pakawalan mo na sya..Di ka nya mahal. Ginagamit ka lang nya.”-   Waaaah baliw ba tong si Jam oh tanga?? Di ba nya alam na kahit anong gawin niya ay di naman sya ang bida dito? Hay, gumaganon pa eh. Pero sige, pagbigyan natin sa trip nya..

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon