Chapter 18:iba't ibang levelng pamamaraan..

391 5 10
                                    

Chapter 18

Ano daw?OA na ang nagiging sitwasyon ah.. Panggap panggapan na to.. Baliw talagang Anghel eh nakita na ngang nag aapoy na sa galit si Zarren tas makukuha pa nyang magbiro ng ganon.. Hay adik rin kasi tong si Clark at Nathan eh. Palibhasa di pa talaga naiinlove kaya ganon. Tsk.Parang hindi mga tunay na kaibigan eh. Puro kalokohan lang talaga ang nasa isip eh noh.

Yun. Badtrip lang si Clark ang humabol kay Zarren pano si Anghel ay naiwang tulala matapos makipag harap kay amazonang Zarren. Haha trauma na ata eh pano ba naman kasi nasampal sya ni Zarren.. Waaah Oh eto flashback...

"Kayo na?"-Zarren pumaparaan lang. Di naman talaga sya naniniwala eh.. Mukha neto ni Anghel.. As if namang ipagpapalit ni Fate si James kay Anghel noh.. Lam naman ng buong mundo na hanep lang ang pagkainlove ni Fate sa boyfriend nya..Sinungaling lang tong si Anghel eh..Feeelingero rin eh noh.

"Oo kami na--" Yun oh. Di pa man din tapos sa sasabihin si Anghel ay isang napakalakas na sampal na ang dumapo sa pisngi nya..Di na kasi nag isip si Zarren. Isang sampal lang siguradong matatauhan na tong si Anghel..Kaso nga lang napalakas.. Haha, muntik na tumalsik pati mga germs nya sa palad. hehe.

Di na nakapagsalita si Anghel ng ilang segundo..Manhid ang mukha sa sakit ng sampal ni Zarren.. Grabe..Dun lang talaga nya napagtanto na namiss nya pati ang sampal nito.. Haha, sadista lang..Adik na pagmamahal yan oh.

"Selos ka ba? Bakit tayo pa ba?"-Waaaah Anghel naman, yan ba ang natututunan mo sa evil brother mong si Nathan?? Tsk tsk.. Masyado kang masakit magsalita.. Hayup ka lang. Tumakbo ka na kaya bago ka pa resbakan nyang si Zarren. At isa pa bat gumaganyan ka pa eh mukhang nakahanda na naman si Zarren na akapin ka ah.. tsk, sinayang mo ang pagkakataon men..

Zarren mejo napatulala din ng konti. Tulala dahil sa mga salitang narinig niya mula sa sinisinta nya. "H-hindi. Hindi na nga pala. Sorry ha assuming lang. Sayang balak pa naman kitang patawarin, kaso anong ginawa mo? Bwiset ka. Sana di nalang kita minahal."- waaaah eh mas malupet pala magemote tong si Zarren eh.. Sabay tulo lang ng luha. Isang mata lang ah.. Haha, parang si Judy lang ah.. Hanep sa emote isang mata lang lumuha.. hehe .. yun.nga walang tatalo sa binitiwan niyang mga salita kahit ba sabihin nating nabasa lang nya yun sa pocketbook...Tinry lang nya kung anong feeling pag sinabi nya yun..

Oh eto may karog pa ang linyang yun ni Zarren kasi di nagsalita si Anghel. "At para sabihin ko sayo, trip ko na sanang isuot  yung singsing kaso nawala eh. Babayaran ko nalang magkano ba yun?..At isa pa pala, wag kang mag alala , hinding hindi na kita kakausapin kahit kelan.."-sabay talikod lang at mabilis na tumakbo palayo..Sinundan sya ni Clark para kausapin kaso nga lang matibay pa sa troso tong si Zarren.. Ayaw talagang paawat sa pag alis.. Yun. Nabwiset siguro si Clark sumuko.. Napamura pa sya kasi may dumikit na bubble gum sa sneakers nya..

(Segwey lang). Pagbalik ni Clark sa bar.. Yun oh andun si Tina. Isa nanamang pamamaraan na pinag aralan nyang mabuti kung pano isasagawa..at sa wakas, nakorner na nya si Clark.. Tsk.. May bungguan factor dito.. Tipong kunwari ay hindi nakatingin si Tina sa dadaanan nya,, ayun nagkabungguan tuloy sila. May langhapan ng hininga ditong naganap.. haha, yun oh tas langhapan ng pabango.. hehe.

Mata sa mata lang. Ngipin sa ngipin. Hehe. Nagkatitigan sila ng ilang Segundo tas..

“Sorry. Uy Tina kaw pala yan. Bat andito ka sa labas.. Tara sa loob.”- waah sabay hawak lang sa braso ni Tina.

(Tina’s pov) ayyy! Bakit me pahawak hawak ka pa.. try mo kaya idiin sa braso ko ang kamay mu.. hehehehe.. tsk tsk bakit parang may tumalsik na watusi sakin ah.. loveee ittt.sige pa sige pah. haha.

“Aray. Wag mo masyado idiin.”-Waaah hanep ka Tina, anong drama nanaman yan. bat parang nakakakuha ka na rin ng mga paraan moves ng mga tropa mo.. tsk..

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon