Chapter 14: kung pde nga lang wala tong chapter na to eh.. tsk

393 4 12
                                    

Well, in fairness lumelevel up na ang love story ng dalawang yan ah.. Isipin nyo, nagsimula lang sa patikim-tikim, tas pinilit kong gustuhin.. haha, bisyo'y nagsimulang lumalim.. Kaya ngayon ang hirap tanggalin♫... Waaaah... Tsk.. umabot na sila sa engage engage na yan.. hay.. naisip ko lang mangyayari kaya satin yan sa totoong buhay?. Sana.. wish ko yan para sa mga tropa ko. Ako ok lang kahit ano.. Ang importante ang kaligayahan nila.. (Wahaha, asah, plastik lang yun. ) .hay sige na tama na segwey eto na..... mabigyan na nga lang to ng bagong twist tutal dun naman tayo magaling eh..

Yun nga, kakaibang excitement ang nadama ng mga bida natin nung araw na yun.. As in pinag usapan nila  ang mga bagay-bagay tungkol sa wedding..Syempre, yoko na makialam sa mga gastusin factor pagdating dun.. Bahala na sila maghatian kung pano at ano ang ke kanino.. Diba.. Basta yun, in fainess naman, dumating sa point na mejo malapit na maayos ang preparation.. Sukatan ng gown, pili ng reception area, mga wedding invitations.. Yun... Astig nga eh, mejo mablis nila na process ang lahat.. As in talagang minadali ah.. Sa loob ng 4 weeks parang keri na nilang mag 'I do'.   yun oh.

There it goes...

Setting: Papunta si Anghel sa office ni Zarren, excited pa naman ang loko kasi yung gabing yun dapat sila pipili ng wedding cake.. tsk, naalala nyo, memorable kasi sa kanilang dalawa ang cake eh. Diba nga naging saksi ang cake date nung naging sila. Hehe, naalala ko na.. sa kotse, yung subuan session nila..Kaya ayun, gusto sana ni ANghel na maging special din yung wedding cake nila. Yun, nung nasa harap na sya ng office ni Zarren.. Abot tenga ang ngiti nya nung lumabas ang reyna ng buhay niya. Yikes.

“Oh mahal ko, mukhang pagod ah.. Masahe gusto mo?” Anghel, nakangiti habang kinukuha ang shoulder bag ni Zarren. Yiih, yun oh, may pabuhat buhat pa talaga ng bag.. Tsk, inggit nanaman yung iba jan.(commercial: marami-rami rin akong naispatang papa kanina. Waaaaah. Akin na ngayon si black ranger. Huhulihin kita kahit di ka balbon.. wahaha!)

Yun, parang haggardness talaga ang datingan ni Zarren nung gabing yun. Gusto nga ni ANghel syang pasayahin eh, joke nang joke kaso wa epek pa rin..

“Mahal ko? Ok lang kahit bukas nalang tayo pumilii ng cake. Mukhang kelangan mo magpahinga eh.”-Anghel ulit, tahimik kasi si Zarren eh. (Nu kayang drama neto, arte noh.)

“Huh? Ngayon ba yun? Kala ko pinaresched mo?”-Zarren

“WEh, joke yun? Ten days nalang kasal na po natin, bat ko paparesched?”-Anghel, mejo nairita lang sa sagot ni Zarren.

“Sorry. Tomorrow nalang parang wala ako sa mood ngayon.”

“Nung problema? Parang may iba sayo.”

“Wala, pagod lang siguro.”

“Sige bukas nalang.”

Yun oh. Direcho sa bahay ni Zarren. Di na nga nag attempt si Anghel para kausapin ang maarteng yun eh. Hehe, tsk, nu ba nangyayari kay Zarren ah. Drama lang ganon? Waaaah, kung kelan malapit na wedding nila bigla nalang syang gumaganon.. Hay…

Kinabukasan… Ayun, di na sya sinundo ni Anghel. Usapan kasi nila didirecho na sila dun..Pero bat ganon, halos isang oras na si ANghel dun, wala parin si Zarren. Inip na inip na siya. Halos kabisado na nga niya ang mga design ng lahat ng cake dun eh.. Pero wala paring Zarren.. Tsk, badtrip na badtrip n siya. Inagahan pa naman nya pagpunta dun. Hanggang sa, ayun tinawagan na rin nya..

Badtrip lang ayaw sagutin… Napapaisip tuloy sya kung ano problema ni Zarren. Syempre, minsan dumadaan din sa utak nya na, what if umurong si Zarren sa kasal? Pano kung narealize nito na hindi pa pala sya handa, pano na? Ang pangarap niyang sabay silang magbbreakfast twing umaga? Hay.. SI Zarren kasi, epal eh..

Isang tawag pa.. at..”Hello Zarren? Asan ka na?”- mejo inis na yung boses nya.

“Sorry mahal ko, di kita natext. May biglaang meeting kasi kami. Sorry hindi na ko makakaabot. Ikaw nalang pumili. Ok naman sakin kahit ano.”

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon